Solenn Heussaff, Inirampa sa Bora ang Argentinian BF!

NU’NG NAKAUSAP namin noon si Solenn Heussaff sa set ng pelikulang Yesterday, Today and Tomorrow, inamin niyang taken na nga ang kanyang puso. So, sorry na lang sa mga gustong pumorma sa kapatid ni Erwan Heussaff, dahil masaya na ang lovelife nito.

At noong Sabado, sa Century Tuna Superbods 2012 na ginanap sa may Astoria Boracay, kasama ni Solenn ang kanyang boyfriend. Aniya, siyam na buwan na raw sila together, pero she rather keeps her relationship in private dahil napaka-private daw nu’ng guy.

Hindi namin nakuha eksakto ang namesung ng BF ni Solenn, pero cutie cute cute ito, in fairness sa kanya.

 

SA AFTER party ng Century Tuna Superbods na ginanap sa rooftop ng District Hotel Boracay, na-interview ng mga press si Anne Curtis. Mariing pinabulaanan ni Anne na nag-resign si Direk Bobet Vidanes sa show. Aniya, bumalik na si Direk noong Biyernes, April 13, from a vacation. Okay na okay naman daw silang lahat sa show at hindi totoong may hidwaan sina Vice at Direk.

Saan kaya nanggaling ang mga rumors na ito? Sagot nito sa amin, “Well, as I always say you can never stop people wanting to create rumors, it’s just part of showbizness and wala, you just have to make it deadma.”

Ayon pa sa dalaga, malaki rin talaga ang pressure ng Showtime sa ngayon sa kanilang timeslot, pero pinagsisikapan naman nila talagang makapagbigay ng entertainment sa mga manonood.

Ayon pa kay Anne, “Having a timeslot that is long, it’s a lot harder especially because we’re coming from a fast-pacing show na ang kukulit, nakakapagod din naman siya but we’re excited to see what else we can do to make the show stronger.”

 

ISA SA mga gusto naming ma-interview sa mga artista sa ngayon ay itong si Aljur Abrenica dahil sa hindi siya nagdadamot ng panayam. Kahit saan namin siya makasalubong ay hindi siya umiiwas na ma-interview ng kung sino mang press.

Last week, nakausap ng mga press si Aljur sa White Party na ginanap sa Sun Villas and Spa sa Boracay. Inusisa namin siya kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon ni Kylie Padilla. Ayon sa kanya, hanggang sa ngayon ay friends pa rin daw sila at busy lang si Kylie sa kanyang mga proyekto, pero palagi naman daw silang nagkakausap through phone.

Tungkol naman sa mga proyekto niya sa GMA, walang solidong maisagot si Aljur dahil meron naman daw, kaso hindi pa rin daw niya puwedeng sabihin kung ano.

So, wala naman ba siyang tampo sa GMA ngayong feeling namin para sa kanya ay frozen delight ang kaguwapuhan ni Papa Aljur?

Aniya, “Never ko naman na-feel na pinabayaan ako ng GMA. I think humahanap lang sila ng tamang timing.”

Gusto rin daw ma-meet ni Aljur ang tiyahin ni Kylie na si BB Gandanghari.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “Solenn Heussaff, Inirampa sa Bora ang Argentinian BF!

  1. gusto mong mainteview si aljur kasi gusto mong malaman kung magkano sya at matikman mo!!!!! may pasabi sabi ka pang kaming mga writer! ambisyosang frog kang serato ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.