Solenn Heussaff, bomba star or tambok queen?

 

PATULOY ANG pag-arangkada ng showbiz career ng model turned actress na si Solenn Heussaff. Ang Kapuso star ang napiling calendar girl ng isang kilalang brand ng alak kunsaan nag-pose siya nang sexy, huh!  Sunud-sunod ngayon ang blessing na natatanggap ng hitad. Kamakailan  eh, ginawaran siya ng parangal bilang “Discovery of the Year” sa katatapos na Aliw Awards. Kahit wala pa siyang one year sa industriya, sunud-sunod na ang kanyang mga TV projects, movie assignments, recording at mga product endorsement. Nag-pose nang sexy si Solenn sa photo shoots bilang calendar girl ng nasabing  alak. Okey lang naman daw sa kanyang ama ang ginawang pagpapa-sexy. Kasali rin ang baguhang aktres sa filmfest entry na Yesterday, Today and Tomorrow, kung saan kasama niya ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Teka, alam n’yo bang dalawa ngayon ang tawag ng mga utaw kay Solenn? Tinatawag siyang ‘bomba star’ at ‘tambok queen’ dahil sa napakaseksi raw nitong pictorial sa nasabing brand ng alak. Sa tingin n’yo, alin sa dalawa ang bagay na itawag kay Solenn?

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.