Solenn Heussaff, biktima ng akyat-bahay

Solenn-Heussaff Solenn-HeussaffLAST WEDNESDAY ng gabi, pinasok daw ng magnanakaw ang kuwarto ni Solenn Heussaff sa Forbes Park. Mabuti na lang wala sa bahay ang actress nang looban ito ng mga magnanakaw. Kung nagkataon ay baka naging biktima rin siya ng rape.

Wala naman daw valuables na nakuha ang magnanakaw sa actress. Laptop, camera, watches, at iba pang gadgets ang nawala sa kanya. ‘Yung mga alahas naman daw niya ay puro fake dahil galing sa sponsors.

Ipinaubaya na lang ni Solenn sa mga authorities ang imbestigasyon sa nangyaring pagnanakaw sa kanyang tinitirhan. Marami naman daw finger prints at bahala na ang mga alagad ng batas na lumutas sa kaso.

Samantala, pinagsusumikapan pa rin ni Solenn na makapagsalita ng fluent na Tagalog. Medyo okey na raw ang pagsasalita niya ng Tagalog pero mas gusto pa rin niya na maging bihasa. Sana nga raw sa ikatlong taon ng kontrata niya sa GMA 7 ay matatas na siyang magsalita ng Tagalog.

No big deal din kay Solenn na ma-link sa nagiging leading man niya sa serye or movie. Pangkaraniwan na raw rito ang ganoong sistema.

Saka one-man woman daw kasi siya kaya hindi magagawang mahulog ang loob sa ibang lalaki.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Solenn Heussaff, biktima ng akyat-bahay

Leave a Reply

Your email address will not be published.