SOLENN HEUSSAFF, AYAW MUNA MAGKA-BABY

Solenn Heussaff

ILANG TAON na rin kasal ang seksi na si Solenn Heussaff sa mister niyang Argentinian na si Nico Bolzico.

Ang mga ‘It Girls” na mga bff na kinabibilangan ni Solenn tulad nina Isabelle Daza, Liz Uy at Georgina Wilson ay pawang may mga babies na except for Solenn na tila hindi priority ang magkaroon ng baby dahil paniwala ng seksi TV host and movie star, not the right timing ang pagkakaroon niya ng baby ngayon lalo pa’t loaded siya ng work.

“Ang dami ko pang work na dapat tapusin. I can’t afford to get pregnant now” sabi niya during our interview at media conference of her latest serye Cain at Abel ng GMA-Kapuso Network a magsisimula na tonight, Monday, November 19 right after the news program 24 Oras.

“I’m happy muna to be the tita of my pamangkins (sa mga anak ng mga kaibigan at mga BFF niya na mga It Girls),” sabi niya.

Sa bagong serye ni Solenn, she plays the role of Abigail, the sexy-bold, sophisticated and adventurous lover of Daniel played by Dingdong Dantes.

Cain at Abel cast Solenn Heussaff, Dingdong Dantes, Dennis Trillo and Sanya Lopez

Sa katunayan, bago nagpakasal si Solenn sa long-time boyfriend na si Nico ay nag-live-in muna silang dalawa ang it took them sometime para mag-decide na magpakasal.

For now, happy muna ang seksi “married’ and future mom sa estado niya na wala muna baby na aalagaan lalo pa’t busy sila pareho ng mister sa kani-kanilang work.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.