Solenn Heussaff, aminadong may nude photos!

PAGDATING SA pagiging prangka, tila nag-iisa si Solenn Heussaff dahil wala itong itinatago, kesehodang pati nude photos ay kanyang inamin.

Three years ago daw nagpakuha siya nang hubad na kinunan ng isang professional photographer na kakilala niya.

Bakit naisipan niyang magpakuha ng totally naked? Simple lang ang naging rason ng seksing si Solenn na siya ngayong Pantasya ng Bayan.

“Gusto ko kasing makita uli ang katawan ko kapag ako ay matanda na. Kaya naisipan kong magpakuha ng hubad ako habang ako ay bata pa,” say ni Solenn.

Tinitiyak din ni Solenn na hindi mawawala o mana-nakaw ang nude photos niya sa pinaglalagyan at malabong manakaw raw ito ng kung sino para kumalat sa social networking sites o sa websites.

Would you believe na willing din siyang magpakuha ng nude sa isang painting session, pero hindi raw ito gagawin sa ‘Pinas. Malamang daw na maganap ito sa ibang bansa dahil aware si Solenn sa pagiging conservative ng mga Pinoy pagdating sa nudity.

Kung walang inhibition sa paghuhubad si Solenn, wala rin itong kiyemeng aminin at ipagsigawan na 28 years old na siya ngayon. Kumpara sa ibang artista na nagbabawas ng kanilang edad para lang magmukhang bata.

Hindi rin nangiming aminin ni Solenn na dalawang taon na siyang nakikipag-live in sa kanyang boyfriend na taga-Argentina.

Ganyan ka-prangka si Solenn, pero ang ayaw lang daw niyang ideya ay pinapantasya siya ng ibang lalaki.

 

WALANG BALAK panoorin ni Mariel Rodriquez ang love scenes ng mister na si Robin Padilla kay Anne Curtis sa serye ng ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw. Katuwiran ni Mariel, ‘di raw makatutulong sa marriage nila ni Robin kung panonoorin niya ang mga naturang eksena.

Gusto ni Mariel maging positive kaya nga raw hindi siya dumadalaw sa taping ni Robin dahil ayaw niyang magkaroon ng isyu at ilangan sa set ng trabaho nito.

Kahit nga raw imbitahan siya ni Kris Aquino ay tumatanggi siya dahil hindi makatutulong sa trabaho ng mister niyang si Robin kung nasa paligid lang siya ng taping nito.

Alam ni Mariel na makatatanggap siya ng tweets ng followers niya kapag napanood ang love scenes ni Robin kina Anne at Kris. Inaasahan na raw niya na dadagsain siya ng tweets at pilit na tatanungin kung bakit niya pinayagang gawin ng asawa niya ‘yung mga maiinit na love scenes. Para hindi na lang daw maapektuhan ay dededmahin na lang niya ang tweets at hindi na lang magbabasa.

Pinagdiinan ni Mariel na suportado niya ang serye ng asawa. Kung kailangan daw talaga sa serye ang mga ganoong eksena para mag-klik sa viewers ay okey lang sa kanya.

‘Yun nga lang, nagdadalawang-isip na si Mariel kung sakaling magkaroon ulit ng love scenes ang mister niya sa mga susunod nitong project.

Pero paglilinaw ni Mariel, hindi siya iritada kina Anne at Kris. Katunayan nga raw, si Kris pa raw mismo ang nagkuwento sa kanya ng istorya ng serye bago pa siya lumipat ng TV 5 kaya may idea na siya last year sa soap ng asawang si Robin.

 

MARAMI ANG tumutok sa life story ni Katrina Halili sa Magpakailanman last night sa GMA 7. Maganda ang pagsasalarawan ng kanyang buhay at kahit ayaw sanang ipasama ni Katrina ang nangyaring iskandalo sa kanya na pinag-usapan sa buong mundo – ang sex video scandal – ay naging maayos naman ang pagpapalabas at mensahe.

Maging si Katrina ay kuntento sa kinalabasan ng pagsasalarawan sa telebisyon ng kanyang tunay na buhay.

Kaya naman ibayong pasasalamat din ang ibinigay sa kanya ng host na si Mel at GMA 7 management sa pagtitiwala na isa-telebisyon ang kanyang istorya.

Payo ni Katrina sa mga na-ging biktima ng tulad ng dinanas niya, huwag mawawalan ng pag-asa at maging matatag at matapang dahil may bukas pa na darating.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

9 thoughts on “Solenn Heussaff, aminadong may nude photos!

  1. loko loko kayo ah…
    Nice one yan si Solenn
    Heusaff
    idol :] i like you

    did you know me ?
    Am your next boyfriend hehe kidding…

  2. hay nako! nakakasawa na talaga tong mga “it girls” na toh! yang cla solenn, georgina na yan. sana naman magkaroon nanaman ng bago!

  3. Solenn Heusaff, ang pangbansang bimbo. Sosyal na pokpok. Pero wala, panis pa din kay Marian Rivera, ang tunay ni reyna.

  4. he he he ibahin ninyo si Bossing,,,,yang kay solenn, haka haka lang yan,,,,may true love na ngayon si Bossing,,,,si Pauleen luna,,,na tinangkang ligawan  noon ni Gerald Anderson,,,,har har…pero basted,,,,,,lihim pang pumupunta ng Broadway si Tuhog King,,,nagpapadala ng flower,,,lihim,,,yak    hindi magpakalalaki,,,yang mga ganyang lalaki,,,,,malibog lang yan,,,,,,gayahin niya sina Binoe at Bossing……pag may natipuhang babae,,,,talagang magpapakalalaki,,,he he   iyang si Gerald,,,halatang malibog lang,,,,mahilig lang sa kadyot,,,pagkatapos iiwanan na,,,,he he 

  5. babaeng kaladkarin rin pala itong solenn na ito haynaku, nakisali pa sa mga babaeng pinagsawaan na ni bossing hahahaha!

    • REALLY? YUCK! ANO BANG NAKIKITA NG MGA GIRLALOO JAN KAY VIC SOTTO KUNDI ANG KANYANG BABA? O BKA NAMAN MAHABA RIN ANG KANYANG BATOOTA?

Leave a Reply

Your email address will not be published.