Solenn Heussaff – Versatility at its Best!

ISA SA MGA baguhang artistang kinahuhumalingan ng mga kalalakihan ngayon ay ang Survivor Philippines Celebrity Edition castaway na si Solenn Heussaff. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda at kaseksihan ng French-Filipina beauty na ito? Hindi lang siya basta modelo at artista. Isa rin itong kilalang professional make-up artist, painter, fashion designer at VJ. Versatile kung versatile!

Nakatanggap kami ng e-mail mula sa isa sa mga tagahanga ni Solenn. Gusto raw niyang malaman ang mga basic information tungkol sa socialite turned performer na ito at kung ano ang mga upcoming projects nito. Well… wish granted!

Si Solenn Marie Heussaff ay ipinanganak noong July 20, 1985. Nakababata niyang kapatid ang current boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff. Malapit na ring i-release ang kanyang debut album mula sa MCA-Universal Philippines at napapanood siya sa Party Pilipinas tuwing Linggo. Certified big hit din ang kanyang launching movie under GMA and Regal Films na ‘My Valentine Girls’, kung saan nakipagtalbugan ito kay Lovi Poe para makuha ang atensyon ni Richard Gutierrez. Kasalukuyang bini-build-up rin ng network ang tambalan nilang dalawa kahit pa lagi nilang kina-klaro na magkaibigan lamang sila… o baka naman mamaya ay ‘magka-ibigan’ na? We’ll never know!

Balita namin ay pasok na bilang leading lady ni Richard si Solenn sa Captain Barbell, na ipapalabas na ngayong Marso. Isa rin ang dalaga sa bida ng Temptation Island remake. Dito ay i-naasahang magpapakita ito ng kaseksihan at makikipag-showdown sa kapwa Kapuso beauties na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe at Rufa Mae Quinto. Obvious naman na siguro kung saan talaga mas nakakalamang si Mareng Solenn, ‘diba?

Sa totoo lang, malaki ang potensyal ni Solenn na sumikat ng husto. Hindi kasi ito katulad ng ibang socialites na nakakapasok sa showbiz na ma-ere. Simple at down to earth ito kahit pa sobrang lakas ng dating niya kapag uma-attend ito sa isang event. Sana ay maging maingat ang Kapuso Network sa pagbibigay ng proyekto sa kanya. She will definitely go far with the right career path. Keep survivin’ Solenn!

Comments? Questions? Comments? Email us at pinoyfansclub@gmail.com and visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

About the Author

has written 54 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.