Solar lamps, ipinamahagi sa navotas

HIGIT SA isang daan at limampung solar lamps ang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan lungsod ng Navotas sa mga residente sa tulong ng mga misyunaryo kamakailan.

Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng solar lamps sa lungsod kamakailan.

Nasa 150 pamilya ang nakinabang sa naturang aktibidad na ginanap sa Virgo Drive, C3, Navotas City.

Ang nasabing proyekto ay inorganisa at pinondohan ng Heart to Heart Foundation, isang non-government organization sa Korea.

Ang pagtulong ng nasabing foundation ay naging posible sa pamamagitan ni Pastor Paul Lim, isang Koreanong misyonaryo na may 21 taon nang naninirahan sa Navotas.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.