SoKor at US, Mas Dapat Katakutan Kumpara sa NoKor

DUDA ANG isang analyst na may sapat na kapasidad ang North Korea upang makapaglunsad ng nuclear attack sa South Korea at kaalyado nitong Estados Unidos.

Ayon kay Dr. Giovanni Tapang, associate professor ng National Institute of Physics sa University of the Philippines (UP) Diliman, na hindi pa napatutunayan ng North Korea na kaya nitong paabutin at paputukin ang missile sa layo nito sa South Korea.

Sinabi ni Tapang na nasa 10 kilotons lamang ang nuclear weapon ng NoKor at maliit lamang aniya ang magiging epekto nito kumpara sa inilunsad ng Amerika sa Hiroshima at Nagasaki noon.

Tantsa ng analyst, aabot ang epekto sa lawak na 9 square kilometers, pero maliit lamang ang magiging epekto sa bansa.

Gayunman, sakali aniyang mangyari ito, maaaring manganib ang buhay ng mga kababayan sa SoKor.

Ipinaliwanag din ni Tapang kung ano ang ibig sabihin ng thermonuclear war na maaa-ring mangyari sa lawak na 9 square kilometers mula South Korea kung magtagumpay ang pag-atake ng North Korea.

Aniya, masusunog ang lahat ng bagay na sakop ng 9 square kilometers. Maaapektuhan din ng radiation ang anumang matitira matapos ang malawakang sunog.

Sa huli, sinabi ni Tapang na mas dapat katakutan ang posibleng pagganti ng South Korea at Amerika matapos umatake ang North Korea.

Samantala, kumpara aniya sa huli, mas napatunayan na ng dalawang magkaalyadong bansa ang kakayahan sa paglunsad ng nuclear weapon.

Dahil dito, naniniwala ang analyst na mas maganda pa ring maayos sa mapayapang pamamaraan ang sigalot sa Korean Peninsula at hindi na paabutin sa nuclear war.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.