Sofia Andres, nagsalita tungkol sa pagkawala sa ‘Bagani’

Sofia Andres

SA EXCLUSIVE interview namin kay Sofia Andres ay nabanggit niyang umaasa pa rin siyang makakabalik sa primetime series na Bagani kahit patay na ang karakter niya bilang si Mayari dito.

“Sana po. Pero kasi, nakaplano siya talaga na ganun po. Sinabi po yon from the very start,” pag-amin niya sa amin.

Patuloy niya, “Sabi ko, kailan kaya ako mamamatay? So, seventh week na pala yon, ang bilis pala. Pero okey lang, at least I was a part of it.

 

“Ang nakaka-miss lang po talaga ang mag-taping sa Bagani kasi lahat naman po sila friends ko talaga,” pahayag pa niya.

Samantala, sanay na si Sofia sa mga nababasang comments sa kanya ng bashers kaya hindi na raw siya naapektuhan ng mga ito.

“Nung first time ko silang nabasa, naiyak pa nga po ako, eh. Pero sanayan din lang po pala dito sa showbiz. Sanayan lang pala,” realization niya.

May mga natutunan ba siya sa mga nangyari?

“Opo naman. Kaya nga po hindi ko siya masyadong dinadamdam. I just take it in a positive way kasi don din ako matututo,” she said.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “Sofia Andres, nagsalita tungkol sa pagkawala sa ‘Bagani’

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.