SOFIA ANDRES’ BAD ATTITUDE STRIKES BACK

Sofia Andres

ATTITUDE ang isyu. Bad, bad attitude ang assessment ko kay Sofia Andres in last night’s MYX Music Awards 2018.

Sumbong ng ilang mga blogger friends na kaibigan namin na nag-cover ng naturang event sa Araneta Coliseum; sa dinami-dami ng mga sikat na mga showbiz celebrities na dumalo sa isa sa pinakamalaking ganap sa showbiz, itong si Sofia lang ang diumano’y nag-iinarte.

Andun ang mga newbies na sikat na sina Maymay Entrata at Edward Barber na pinagkaguluhan ng mga fans. Maging ang sweet na sweet sa isa’t isa ang tambalang Elmo Magalona at Janella Salvador ay present.

Ayon sa FB post ng isang entertainment blogger: “Nagmamadali si girl. Sana di na lang siya nag-red carpet kung ayaw niya magpa-interview, naglinis na lang sana siya ng carpet sa kanilang bahay, at least doon walang magi-interview sa kanya. Back to old programming si girl! Pag-hashtag pa ng blogger na si Michael Louie Almacen na mas kilala as Byx sa blogger’s world.

MAYWARD sa Myx Awards Night 2018

Hindi na bago itong paguugali ni Sofia. Remember, just recently ay bad attitude din siya sa ginawa niya (while at work) na habang ini-interbyu para sa farewell presscon ng afternoon serye nila nina Diego Loyzaga noon ay deadma siya sa mga tanong ng mga bloggers na imbis mag-concentrate sa interbyu at tanong sa kanya ay mas interested siya na kalikutin ang kanyang mobile phone at mag-text.

Dahil sa left and right na batikos sa kanya because of the “texting” incident, naalarma ang dalaga. Nag-damage control ang Star Magic na sa katunayan, nag-sorry na ito sa mga bloggers na nabastos niya during the interview at nangako na hindi na uulitin (or mauulit).

But last night, Sofia Andres’ bad attitude strikes back.

Bago? Hindi. Hindi na siya natuto. Never na siya matututo.

Unsolicited advice ko sa dalaga, rest in peace ka na girl sa showbiz girl kung tinatamad ka na. Mabuti na lang at hindi pa kita pa nae-encounter na nagmamaktol ka sa interview with your bad work attitude.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

2 thoughts on “SOFIA ANDRES’ BAD ATTITUDE STRIKES BACK

  1. di ba best friend itong si sofia sa anak ni gretchen barretto? parang nakita ko yata siya sa mga vlog ni dominique sa youtube. kung totoo man itong kasuwapangan nya, sana bigyan ng leksyon ng abs-cbn itong si sofia at hindi na bigyan ng projects . Nakasira ito ng reputasyon.

    • Hindi ba kaya biglang pinatay yung Mayari character niya sa Bagani sa first week of airing pa lang? Nai-shoot na scenes niya bago pumutok yang bad attitude issues ni Sofia. Kahit si Diego Loyzaga hindi na niya kakibuan dahil sa bad attitude ni Sofia sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.