Sofia Andres at Diego Loyzaga, ilulunsad bilang bagong love team ng Kapamilya Network

Sofia Andres & Diego Loyzaga

Sofia Andres & Diego Loyzaga

Ipinagdiwang noong August 24 sa Power Mac Center Spotlight ni Sofia Andres ang kanyang ika-18th bday na dinaluhan ng kaniyang pamilya, showbiz and non showbiz friends.
Kabilang sa mga celebrities na dumalo sa kanyang debut party ay ang magkapatid na Raver at Rodjun Cruz, Robi Domingo, Ellise Joson, Bugoy Drilon at marami pang iba. Siyempre pa, present din ang napababalitang boyfriend niya na si Diego Loyzaga.
Sobrang happy si Sofia sa kanyang napaka-espesyal na araw at sabi nga niya ay wala na siyang mahihiling pa dahil sa mgandang nangyayari ngayon sa kanyang career.
Aminado ang young actress na minsan ay mga pagkakamali siyang nagagawa sa kanyang parents, pero hinihingi niya ito ng kapatawaran at nangakong pagbubutihin ang kanyang trabaho para lalong makatulong sa kanyang pamilya.
At ngayong ganap nang dalaga ang young actress, aaminin na kaya niya na sila na ni Diego? Matagal- tagal na rin kasing natsitsismis na magkasintahan na raw sila, pero ayaw pa ring umamin ang dalawa. Ang sinasabi lang ni Sofia, espesyal si Diego sa kanyang buhay.
Samantala, excited na siya sa upcoming project nila ni Diego, kung saan ilulunsad sila bilang love team ng Kapamilya Network. Dito ay lalo pang masusubok ang kanilang samahan at siguradong kikiligin ang kanilang mga tagasuporta oras na mapanood ang kanilang palabas.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.