Sobrang Tigas ng Mukha!

0999481xxxx – Mr. Idol, nais ko pong ipaalam sa inyo na patuloy ang pangongotong ng mga pulis dito sa lugar ng Litex, Commonwealth. Sa kabila ng pagbabatikos sa kanila ay hindi nila inaalintana ito dahil suportado sila ng mataas na tao. Sana po ay masupil na ang mga tiwaling pulis na ito. Salamat po. More power po sa inyong show.

 

0908610xxxx – Idol Raffy, gusto ko pong isumbong sa inyo ang mga illegal na nangyayari rito sa lugar ng Austria bayan ng Novaliches. Napakalapit lang po ng presinto sa aming lugar pero talamak ang mga sugalan dito. Madalas pa nga po ay mayroong mga pulis na umiikot dito. Kaya sigurado po kami na mayroong basbas ito sa kanilang hepe. Sana po ay matulungan ninyo kami na masugpo na ang kanilang mga ilegal na aktibidades. Maraming salamat po.

 

0918443xxxx – Sir Raffy, nais ko pong ipaalam sa inyo ang pagmamalabis na ginagawa ng Bajet Castillo High School dito sa lugar ng Pulilan, Bulacan. Naniningil po sila sa bawat estudyante ng halagang bente pesos para sa bingo card at dalawang daan at walompung piso para sa authorization fee. Ang mahirap pa po rito ay sapilitan ang kanilang ginagawang pangongolekta ng pera. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang bagay na ito. Salamat po at Mabuhay po kayo.

 

0946683xxxx – Sir Idol, pakikalampag at bigyan ninyo ng leksyon ang mga mobil patrol dito sa Mates Express Way. Mga abusado po at sobrang kapal ng mga mukha kung mangotong sa mga biyahero. Sa kakarampot na kinikita namin na kulang pa sa aming pamilya ay humahati pa sila. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aming problema.

 

0916117xxxx – Mr. Tulfo, tulungan po ninyo kaming gisingin ang mga taga-Maynilad, natutulog po ‘ata itong mga taong ito. Dahil napakatagal na po ang pagsasakripisyo namin. Ang kalsada ng Payatas papuntang Rodriguez, Rizal ay talagang nakakainit ng ulong daanan. Lalo na po sa may zigzag, isang beses pa nga po ay mayroong nadisgrasyang truck dito. Sana po ay bigyan ninyo ng aksyon at maipahatid ninyo sa kinauukulan ang bagay na ito. God bless you po at sa inyong programa.

 

0917519xxxx – Sir Tulfo, sana po ay tulungan ninyo ko sa aking problema. Gusto ko pong isumbong sa inyo ang mga mayayabang na towing services dito sa lugar ng Taguig City. Mga abusado at mayayabang ang mga taong ito kahit makiusap ka at manikluhod ay hindi ka paki-kingan bagkus ay aagawin pa ang manibela at sapilitang hihilahin ang sasakyan. Sana po ay maturuan ng leksyon ang mga taong ito dahil daig pa nila ang makapangyarihang tao kung umasta. Umaasa po ako na matutulungan ninyo ako sa bagay na ito. Salamat po.

 

0915865xxxx – Boss Raffy, sana naman po ay matulungan ninyo kami. Dito po sa istasyon ng MRT sa Edsa ay parami nang parami ang mga mandurukot at marami po ang makakapagpatunay na sangkot ang mga pulis dito. Sigurado po ako na nakikinabang ang mga tiwaling pulis na ito. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang bagay na ito.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakingan sa 92.3fm Radyo5, Lunes hanggang Biyernes 2-4pm. Ito ay simulcast na mapapanood sa AKSYON TV Channel 41. Mamayang gabi panoorin ang isa na namang makabuluhang episode ng WANTED sa TV5, 10:30pm.  

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.