Sobrang sinisisi ang komedyana sa pagpapabaya Kapatid ni Pokwang, ‘di pala nakulong sa Dubai!

BLIND ITEM: Personally, natutuwa kami, dahil sa kanyang pagba-balik-loob sa kanyang naunsiyaming career. Noon kasi, sikat ang batang aktor na ‘to, eh.

Kaya lang, kung anu-ano na ang kinasuotan. Tulad ng droga at sugal, kaya ang career niya, lumamlam na. Ayaw na siyang kunin, dahil nahulog na ang kanyang sariwang mukha, eh.

There were times pa na panay na lang ang delihensiya niya sa mga kaibigan. Pati celfone ng ibang tao, hinihiram niya para isanla at magkapera.

Kung kani-kanino rin siya may utang na ewan kung bayad na ba ngayon o lista na lang sa tubig. Me tsika pang panay ang patol niya sa bading para lang magkapera.

Ngayon, behaved na raw siya. Magko-concentrate na raw siya sa kanyang career, dahil kailangan na niyang magtrabaho.

Nu’ng huli namin siyang makita sa telebisyon ay maaliwalas ang kanyang mukha. Pero nu’ng magkita na kami na naka-make-up siya, ang daming concealer niya sa mukha.

Normal lang naman ang mag-concealer, dahil tatakpan mo talaga ‘yung mga natuyong pimples o scars. Eh, nu’ng time na ‘yon, ilang tapal ng concealer sa mukha niya ang halatang-halata. Sa loob-loob namin, juice ko, nu’ng araw talaga, ang kinis ng mukha ng batang ‘to. Walang open pores, eh.

Tapos, mas kumapal pa ang pagka-baritone ng boses niya ngayon, kaya I suggest, itigil na rin niya ang kanyang smoking habits (kung hindi pa, ha?) para hindi lumala ang kapal ng boses niya.

Hindi na po kami magbibigay ng clue, dahil pang-general patronage naman itong aming blind item.

Basta sana, tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabago.

 

NAKAKALOKAH, HINDI naman pala nakakulong ang kapatid niya, sabi ni Pokwang! Samantalang ‘yun ang nasa blind item.

Hindi na sana magre-react si Pokwang, kaso, lahat ng comment, siya ang itinuturong isang pabayang kapatid na hinayaan lang na makulong sa Dubai ang kanyang kuya at hindi man lang siya nagli-lift ng finger to support her brother.

So, dahil wala nga silang balita and they presumed na nakakulong nga ito coz walang communication, heto’t umuwi ang bunso niyang kapatid from Dubai at ito na ang nagbalita na hindi totoong nakulong ang kanilang kuya at hindi rin daw totoong nabulag ang isang mata nito due to unsuccessful operation.

Kaya si Pokwang, iritang-irita sa mga nag-aakusa sa kanyang pabaya siyang kapatid.

Sabi na lang namin kay Pokey, “Hindi natutulog ang Diyos”.

 

SA FEBRUARY 18 at 7pm ang premiere night sa UP Film Institute ng “Dyagwar (Waley O Havey?), ang indie film na pinrodyus ng OgieD Productions at nangangarap magkaroon ng puwang sa movie production.

Ipinagmamalaki namin ang digital film na ito, dahil kami ang sumulat (siyempre, hehehe!) at mga kaibigan naming artista ang mga gumanap na halos ilibre na ang kanilang talent fee.

Sina Boom Labrusca at Eric Fructuoso ang magpinsang gwardya ng isang compound kung saan magkakaroon sila ng encounters sa mga tenants ng kanilang mataray na kaserang bakla.

Kapilyuhan at kaelyahan ang ipamamalas ng dalawang gwardya at kung paano nila malalampasan ang mga pagsubok na kanilang haharapin.

Tulad na lang ng habang kausap mo ang kasera mo ay merong humahada sa guwardiya sa ilalim ng mesa niya.

Eh, ‘yung itinira ng DOM ang kabit niya sa isang bahay roon, pero “bantay-salakay” naman ang isang gwardiya? Kabit ng may kabit, kinakabit pa?

At panoorin n’yo kung paanong i-blackmail ng kaserang bakla ang isang gwardiyang type niya, pero wala sa bokabularyo nito ang pumatol sa bakla?

Sa mga gustong manood, pas-yalan n’yo lang ang “Dyagwar” fanpage (http://www.facebook.com/pages/DYAGWAR-Havey-o-Waley/221875741217222) at i-post ang inyong pangalan at automatic, pwede na kayong magsama ng isa pa.

Libre lang po ang entrance, kaya join na kayo!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

17 thoughts on “Sobrang sinisisi ang komedyana sa pagpapabaya Kapatid ni Pokwang, ‘di pala nakulong sa Dubai!

  1. kilala ko yang BI mo,si angelo abad yan a.k.a angelo ilagan na pamangkin ni jay ilagan na dating nagmateng ng cp at binenta sa greenhills na pumapatol sa mga bakla sa halagang bente pesos noon di pa sya artista!!

  2. I agree sa mga sinabi mo maria sumobra kasi yabang sa buto ni Pokwang dahil sa influenced ng kanyang mahaderang amo Kris,y.an ang napala nya.Eh bakit hindi ka Pokwang magpatulong sa amo mo si Kris na bigyan ka ng sarili mong show kasama yang Kris na yan pwe

  3. Iyan kasi ang pagkamali ni Pokwang, nagbitiw ng hindi magandang salita against Willie, tumahimik na lang sana sya kasi di ba si Willie ang naging daan para mapasama sya sa Wowowee noon? At noong sinabihan sya ni Joey de Leon noon na ano ba yon, monkey ba yon? Si Willie ang nagtanggol sa kanya, kaya sana naisip na lang yon ni Pokwang. Maliit lang kasi ang mundo sa showbiz. Tingnan mo ngayon, ang mga artista, palipat lipat na at yong ibang nagagalit sa isang network noon bumalik na naman ngayon sa kanila. Kung gustong may staying power sa showbiz, kailangan na makisama at huwag mang-away and never ruin the bridge because you might use that bridge again in the future.

  4. kahit di ko nakikita si shebie sili, cgurado akong sobrang pangit ito kaya ganun na lang ang inggit sa magaganda tulad ko, heheheh!

  5. si poks laging ginagamit ang diyos para masabi ng tao na siya ay mabait kaya ndi ka aangat sa showbiz wla kang dating at pls.wag mo ng gamitin ang diyos para mapansin..hahahahaaha korek si clara at si shebie wlang utang na loob

  6. Stop pointing fingers, dahil taga PinoyParazzi ang nagwriteup na nakakulung ang kuya niya.

    Kasalanan din ni Pokwang dahil pinagmamalaki niya kay Kris na successful na siya, so dapat lang tulungan ang kapatid na nangagailangan, culture na nantin yoon, magtulungan ang magkapatid. Nagsalita ka pa nga Pokwang na turuan ng leksyion ang brother mo, ngayon, ikaw ang dapat turuan ng leksyon, na dapat di ka nagmamalaki at dapat marunong tumanaw ng utang na loob. Sobrang yabang mo, wala ka pa kay Ai Ai noh .

  7. @sili – ANG NATUHOG YUNG PAGKALIIT-LIIT NA SILI NA BINOBOSOHAN MO ARAW-ARAW………….CHEAP MO BALAHURA KA!!!!!!!!!!!!!!………..HAHAHAHAHAHA

  8. DI BA ANG KAPATID NI POKWANG ASWANG SENIOR AY YUNG BIDA SA JEEPERS CREEPERS?…………PAANO NAHULI SA DUBAI? NASIBAT BA?………BWAHAHAHAHAHAHAHA

  9. kahit walang clue yung BI, ang dali pa ring hulaan: patrick garcia! wala na ang dating freshness at kagwapuhan ng batang ito. sayang na sayang …

  10. Baklang Alfie at estafadorang Fermin…kung wala kayong magawa sa buhay niyo…pumunta kayo kay Belo at magpa zipper nalang kayo nang Bibig…ang babaho nang hininga niyo katsutsupa…PWE.

  11. Sina Alfie Lorenzo at Cristy Fermin ang sobrang makatira ki Pokwang. Im sure di sila naaambunan nito dahil super puri naman sila sa mga artistang may pakinabang sila.

  12. O, ano, sino naman ang reporter na nagba blind item nito? O iyon, baka si Fermin na naman, nawalan tuloy ng super credibility ang nag blind item nito at mali pala.

Leave a Reply

Your email address will not be published.