Sobrang pasaway raw Dalagita, ikinadena ng ama

HUMANTONG SA kulu-ngan ang isang ama nang ireklamo ito ng kanyang menor de edad na anak na babae makaraan uma-nong ikadena ng una ang paa ng biktima gamit ang kadena ng aso sa punong aratelis sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Gigi De Jesus ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan Police Station ang suspek na si Marcial Nolasco, 50 ng 129 Libis  East, Baesa, Barangay 160 ng nasabing lungsod.

Samantala, ang biktima naman ay itinago sa pangalang Maria, 14 anyos, out of school youth at naninirahan sa nasabing lugar.

Ayon kay PO3 De Jesus, may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa gilid ng bahay ng mag-ama sa nasabing lugar.

Nabatid na ilang araw umanong hindi umuuwi ng bahay ang biktima at ilang araw rin itong pinaghahanap ng suspek hanggang sa makita ng ama ang kanyang anak sa tapat ng bahay ng kumpare hanggang sa isinama na ito papauwi.

Dito ay galit na galit ang ama sa anak at bilang parusa, ikinadena ng kadena ng aso ang kaliwang paa ng biktima saka itinali sa puno ng aratelis.

Ilan sa mga kapit-bahay nila ang tumawag sa barangay at sila pa mismo ang nag-alis sa kandado ng bata na umiiyak pa nang abutan at matapos kalagan ang bata, dinakip na rin ng mga barangay tanod ang ama ng bata.

Ayon kay Nolasco, banas na banas na siya sa anak dahil sa pagiging pasaway at paghinto sa pag-aaral at walang ginawa kung hindi ang makibarkada.

“Sobra na pong pasaway ang anak ko. Nagpalagay pa po ng tattoo sa kaliwang paa kaya ako naiinis,” dagdag pa ni Nolasco.

Aabot sa mahigit P80,000 ang inirekomendang piyansa ng Caloocan City Prosecutor’s Office para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.