Sobrang na-miss ang aktres
Angel Locsin, pina-ospital ang alagang aso dahil sa stress

NA-OSPITAL DAW ang alagang aso ni Angel Locsin na si P’wet-P’wet for three and a half days dahil sa stress, ayon sa veterinarian na tumingin dito.

Kuwento ng personal assistant ng aktres na si Michelle, suka raw nang suka si P’wet-P’wet nang ilang araw habang bising-busy si Angel sa shooting ng Four Sisters And A Wedding.

Ibig sabihin ay miss na miss raw nito ang kanyang amo.

Kaya last week, nang matapos daw ang premiere night ng pelikula nito kung saan kasama n’ya sina Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Enchong Dee, at Bea Alonzo at mag-umpisang ipalabas sa mga sinehan last Wednesday, agad daw pinatignan ni Angel sa beterinaryo ang kanyang Bichon Frise doggie.

Nirekomenda raw ng veterinary doctor na nag-check up kay P’wet-P’wet na ma-confine ito sa isang animal hospital sa Mandaluyong.

Two days daw na dinalaw ni Angel ang kanyang pinakamamahal na aso sa animal hospital sa Mandaluyong pagkagaling nito sa kanyang mga commitments.

Ngayon, hangga’t maaari ay isinasama na ulit ni Angel si P’wet-P’wet sa kanyang trabaho.

 

NAG-FORWARD SA amin si Kuya Mario Dumaual ng isang mahabang text message nu’ng Sabado nang madaling-araw mula sa isang lola na may limang taong gulang na apo na nagngangalang Ashley Ann Nepomuceno na may sakit na cancer at tagahanga nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Hiling daw ng bata na makita nang personal ang kanyang dalawang inidiolo bago raw sana s’ya maospital muli sa Philippine General Hospital para sa kanya chemotherapy.

Maligayang-maligaya raw si Ashley Ann kada mapapanood nito sina Vice at Anne sa It’s Showtime sa TV, ayon sa lola nito.

Kaya nu’ng madaling-araw ding ‘yon ay ipinadala rin namin ang mahabang text message galing sa lola ng bata kay Vice na nasa Hawaii pala nu’ng mga oras na ‘yon kasama sina Anne at iba pa nilang co-hosts sa It’s Showtime para sa isang show roon.

Nagulat kami dahil in less than 30 minutes ay agad-agad nag-reply ang Phenomenal Box-Office Star sa amin.

Ito ang reply ni Vice, as is: “I will go to her pagbalik ko galing hawaii. Thanks for letting me know. God bless! Thanks din kay sir mario.”

 

BOYFRIEND PALA ni Gwen Zamora ang stepson ng dating aktres na si Cristina Gonzalez-Romualdez (who’s in her third and last term as Councilor of Tacloban City) sa asawa nitong si Mayor Alfred Romualdez (na nasa ikatlo at huling termino na rin bilang alkalde ng nasabing lungsod) na si Raymund.

Ayon sa mag-asawa ay mabait, magalang at maganda raw ang Kapuso star, kaya gustong-gusto nila ito para kay Raymund, 26, na parang basketball player sa tangkad at 6’3”.

Sa ngayon, si Raymond daw ang namamahala ng kanilang negosyo na shipyard dito sa Maynila. Although madalas-dalas pa rin naman daw umuwi ang binata nila sa Tacloban.

Ang mga anak na babae naman nina Mayor Alfred at Councilor Kring-Kring na sina Sophia, 13 (na marunong mag-violin at gitara), at Diana, 10 (na nagpa-piano), ay parehong nag-aaral sa Tacloban.

At kung bibigyan pa raw silang mag-asawa ng isa pang anak ng Diyos ay iwe-welcome daw ito ni Cristina. ‘Yun nga lang ay tumataba raw s’ya ng mga 60 pounds kapag nagbubuntis.

Ang mahalaga raw para kay Mayor Alfred kung sakaling mabuntis ulit ang kanyang misis ay maging healthy ito.

Pero ang biro naman ng dating aktres ay okey na rin daw sa kanilang dalawa na maging lolo at lola na lang sila ng magiging anak nina Raymund at Gwen.

Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

4 thoughts on “Sobrang na-miss ang aktres
Angel Locsin, pina-ospital ang alagang aso dahil sa stress

  1. Pwet pwet? What a cheap name! Hakhakhak! Malamang dahil sa libog ni Ngiwe sa pwet ni Younghusband o kaya ng magpinsang Sotto kaya niya pinangalanan ng ganyan yan. Ang bakya talaga ni Ngiwe! hakhakhak!

  2. Ay suka ng suka yang aso mo Angel,,,,Baka naglilihi…. di kaya nasalisihan ng lahing merkanong si Younghusband…….Manyankooooooooo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.