Sobrang lasing na at maingay
John Lloyd Cruz, Pinalabas sa Isang Bar?!

ISANG MAPAGKAKATIWALAANG source ang nagkuwento sa amin ng isang pangyayari sa isang exclusive bar sa The Fort. Napag-usapan kasi ang isang topic tungkol sa isang Instagram photo na inilabas kamakailan ng isang sikat na celebrity.

Say ng aming source, “Alam mo bang si John Lloyd Cruz ay lasing na lasing sa isang bar two weeks ago? Maingay na siya. Talagang todo kuwento siya at halos siya na lang ang pinagtitinginan du’n sa buong bar.”

Ang nasabing bar ay may limang letra lamang sa pangalan nito, dagdag pa ng aming source.

Dugtong pa niyang kuwento, “Ang nakakita sa kanya ay ang kaibigan kong artista. Tapos kinakausap na nga nila si John Lloyd para raw hindi na mas-yadong mag-ingay dahil nga may iba ring mga customer na nandoon. Kaso, hindi na niya talaga ma-control ang kanyang sarili dahil lasing na lasing na siya. So ang ginawa ng management ng bar ay ineskortan na siya palabas para hindi na tuluyang makabulahaw pa sa ibang customer.”

Kung totoo man ito, hindi na rin kami magtataka dahil sa dami ng kuwentong naisulat na medyo mahilig ngang uminom itong si Lloydie. Dati sa interview kay Ruffa ay naisiwalat nitong sa isang bar din na magkasama sila noong sila pa ay nakatulog na raw sa kalasingan si John Lloyd at binuhat na ito palabas para maisakay sa kanyang sasakyan at maiuwi sa bahay.

Hindi nangunguryente ang aming source, at halos two weeks pa lang daw ang pangyayaring ito. ‘Yun na!!!

 

SA EXCLUSIVE interview namin kay Grace Lee, marami siyang nilinaw na isyu. Isa na nga rito ang tungkol sa puting Ferrari na iniregalo raw sa kanya ng isang manliligaw kaya naman daw hindi na natuloy ang kanilang ‘ligawan’ ng presidente nating si President Noynoy.

Say nito, “Kung may Ferrari ako, wouldn’t I be driving it around. My car has been the same in the past three years. I have not changed my car.”

After nga ng balitang hindi na natuloy  ang ‘ligawan’ between her and P-Noy, may mga lumalabas naman sa tabloids na diumano ay binayaran si Grace ng Palasyo para lang daw sakyan ang pakikipag-date sa pangulo. Pero marami ang nagsasabing mga rumor-mongers lang ang mga nagpakalat ng balita.

Ayon pa kay Grace, isang masamang biro ‘yung ganu’ng balita. “Oh, my God! That’s so bad. All these things things are actually so vicious.”

Pero nabasa kaya niya ang tungkol sa isyu? “May nagsabi sa akin kasi, I think Kris Aquino tweeted about it. Parang (sa tweet ni Kris, she said) whoever came up with that, must be high  on drugs.”

Dagdag pa niya, “May nag-tweet, so nire-tweet sa akin, na ‘oy dini-defend ka ni Kris’ parang ganu’n. You know every single cent I have in my bank account, is every drop of my sweat, hardwork, walang… wala akong perang nakuha nang madalian. Na nahulog lang sa akin or anything like that, I had  to work for every single cent that I have right now. And my account, my bank account is not considerably bigger now after I dated him. So you know ang mga rumors na ganyan, I mean, purely panira siya, there’s no other purpose than to make sira him or me, him and me actually.”

Paglilinaw pa namin sa kanya, kung meron ba talagang nangyaring ligawan. “Oh, I mean, as you can see, hindi kasi … the President doesn’t have a life… you know, certain things in his life. And for him to actually come out and admit, that we were dating was a huge thing for him because he is one person we all know who would like to keep, his private life, private also. Like, that was on his part being a gentleman. Kasi lumabas na ‘yung balita eh, may kasalanan nu’n si Mo Twister. Si Mo talaga sa buhay ko talaga, oh. No, I didn’t tell him (Mo), somebody tweeted him, na nakita kami na nagdi-dinner. Ito naman, without asking me, on air, talagang sinabi niya, ayun nagkagulo na after.”

Inamin ni Grace na siya na ang nagkusang hindi masyadong magsalita sa ‘ligawan’ issue noon kahit pa hinihingan siya ng mga pahayag hindi lang ng local media kundi pati na mga foreign crew.

Kuwento niya, “May Malaysian, Korean crew na pumunta pero hindi ko pinagbigyan kasi without me talking so much, it was such a crazy whirlwind or rumors and hearsays and just vicious rumors also, its difficult. So I tried really my best to quiet it down.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

19 thoughts on “Sobrang lasing na at maingay
John Lloyd Cruz, Pinalabas sa Isang Bar?!

  1. ang tanda nitong si john noh! mahilig sa mga baklang bata at mga babaeng mukhang bakla.

  2. Hayyy, ilang taon ng may demolition job kay John Lloyd na ganito tuwing may lalabas siyang teleserye o pelikula. Isang teleserye at isang movie nila ni Bea Alonzo ang in the works kaya nago-overtie work ang mga kampon ni Shrek Cristy. Kaso box office hit at high ratings pa rin ang mga projects ni Lloydie. So mamatay kayo sa inggit, Shrek & co-horts. Toink!

  3. Parang gusto yatang siraan ng parang baklang writer na ito si John Lloyd dahil taga singko kasi ito at kailangan siraan si JLC at pabanguhin ang gurang na Derek na walang ginawa kungdi sumakay sa MV Princesesa papuntang langit. Hoy writer magpa hair implant ka na lang sa forehead mo. Hindi ka credible dahil one side writer ka.

  4. Pagkatapos nilang mag break ni Shaina, nagkabalikan sila, on condition that John Lloyd straighten his act at mag rehab. Ito ang sabi ni John Lloyd na pinagdadaanan nila ni Shaina last year. Kaso, hindi pa rin natuto at lalung lumala dahil si
    Angelica mahilig rin sa alcoholic beverage. Sayang si JLC. Shaina was there to help him get back on his feet pero mas malakas ang tawag ng alcohol.

  5. what’s new naman kay john loyd regarding sa pagwawala o maingay sa isang bar? masyado nang big deal eh dati nang ginawa nya yan.

    .

    nandyan na naman ang attention–/publicity hunger na grace lee! my gosh!

  6. lahat ng tao may cellphone with camera na nowadays, kung ang paglabas nila chizat heart, mga date date ng mga artista ay nakukunan ng picture.. nasan ang ooicture nito..am not his fan pero gosh any1 can say that he has a source ..duh

    • may mga nailabas na silang mga pictures together ateng. search mo sa fashionlulis or any pinoy entertainment blog, even sa the buzz ata at sa kris tv eh ipinakita na yung dalawang pictures nila na magkasama sa isang restaurant.

    • MAY MGA DATI NG PICTURE NA NAILABAS ANG MEDIA NA NATUTULOG NA SI JLC SA MGA BARS NA PINUPUNTAHAN. YUNG ISA BULAGTANG BULAGTA NA SA BENCH NG ISANG BAR SA KALASINGAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.