Sobrang lakas mang-alaska
Willie Revillame, nakatikim ng mura mula kay Don Pepot

Willie-RevillameWillie-RevillameTINITIYAK NI Joey de Leon na totoong may Don Pepot na pumanaw, pero ito’y isang dentista, and not the veteran comedian na nakasama niya noon sa pelikulang Barbie For President.

Isa kasi sa mga inihatid na kuwento ng Startalk nitong Sunday ay tungkol sa batikang komedyante na napabalitang yumao na sa social media over the week. Ang itinuturong nagkalat ng balita ay isa ring kapwa komedyante, si Joji Isla who—in fairness—apologized later.

While watching Startalk’s feature story on (the still alive and kicking) Don Pepot, hindi napigilang magbalik-tanaw si Tito Joey sa shooting break ng kanyang naturang comedy film. A self-confessed sucker for mah-jong, ito ang kanilang pampalipas-oras while waiting for the next take.

On the table were Willie Revillame, Tito Joey’s sidekick in the movie, and Don Pepot. Because the two hardly knew each other kung kaya’t ipinakilala sila sa isa’t isa ni JDL.

“Ah, nga pala, Pareng Willie, ito nga pala si Don Pepot,” Tito Joey told Willie habang naghahalo sila ng mga pitsa. Sagot ni Willie, “Ah, ikaw pala si Don Pepot. Alam mo, kahit kelan, never akong natawa sa ‘yo.”

Saksi raw si Tito Joey kung paanong namula ang mga tenga ni Don Pepot, na hindi na nakapagtimpi ng galit sabay pasigaw na bumuwelta kay Willie ng, “Put…ina mo!” Nagtengang-kawali na lang daw si Willie, na kilalang may kakaibang paraan ng pang-aasar but not once has anyone heard him utter foul language.

Tamang-tama namang kukunan na ang susunod na eksena, kaya kinailangan nang i-pack up ang mah-jong. Kaso, may utang si Willie kay Don Pepot ng isandaang piso. “Oy, put…ina mo, bayaran mo ‘ko! Ang yabang mo!”

Still, such cuss words hardly affected Willie. Hindi nga rin daw bumalik kay Don Pepot ang pinakawalang mura nito.

Sumenyas si Willie sa kanyang alalay—bitbit ang noo’y usung-usong leather clutch bag—upang  lumapit sa kanyang kinauupuan. Pag-abot sa kanya ng bag, Willie forked over his cheque book…as in tseke ang ibinayad niya sa kanyang isandaang pisong utang kay Don Pepot.

Muli, isa na namang malutong na, “Put…ina mo, ang yabang mo!” ang umalingawngaw sa paligid.

 

NANGHINAYANG KAMI para kay Jaclyn Jose who was among the four celebrity contestants who almost became richer by P500,000 in last Saturday’s edition of Picture! Picture!

Sobrang dali lang kasi ng set of five pictures na kanyang pinili from the three choices flashed on screen: mga prutas sa wikang Tagalog. Dalawa roon ang kanyang binalikan when she still had extra time, she guessed one of them correctly pero hindi niya nahulaan ang “mangosteen,” to think that she already got its two syllables.

Hayun, lost ang aktres known for her underacting!

Anyway, isa na namang kapana-panabik ang episode ng Picture! Picture! this Saturday dahil isang TV host (or pretending to be one), isang komedyante, isang dramatic actress at isang respetadong broadcaat journalist ang makikipagsapalaran.

Sino kaya kina  Jojo Alejar, Pekto, Yasmien Kurdi at Susan Enriquez ang mag-uuwi ng jackpot prize?

Abangan kung sino ang last player standing, maglalaro ba siya ng Selfie o Help Me? (Selfie kung maglalaro siya nang mag-isa o Help Me naman kung gusto niyang may makasamang sumagot ng jackpot question)

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Sobrang lakas mang-alaska
Willie Revillame, nakatikim ng mura mula kay Don Pepot

Leave a Reply

Your email address will not be published.