Sobrang garapal mangotong

 

0917248xxxx – Sir Raffy, nais ko lang pong iparating sa inyo na iyong pulis na sakay ng mobile patrol car na may plate number na SGY 157 at body number na 29 sa police station 1 ay sobrang garapal at malakas mangotong. Araw man o gabi ay nango-ngotong ang pulis na sakay nito. Sobrang takaw. Sana po ay maaksyunan ninyo. Salamat po.

 

0923662xxxx – Idol Raffy, magandang araw, isa po akong concerned citizen at gusto ko lang pong itanong kung may bayad po ba ang pagpapa-blotter sa presinto? Dito po kasi sa amin sa may Antipolo ay hiningan ng 200 pesos ang kapitbahay ko na nagpa-blotter. Tama po ba iyon? Sana po ay masagot ninyo ang katanungan ko. Salamat po.

 

0999151xxxx – Sir, ako ay isang concerned citizen dito sa Tondo, gusto ko lamang ipakalampag ang mga kinauukulan dito sa amin dahil iyong sidewalk dito ay sinakop na at mga nakaharang ang mga bote ng softdrinks. Kalahati na ng kalsada ang sinakop at ang mga tao ay halos sa gitna na ng kalsada dumadaan. Sana po ay magising n’yo ang bulag na mga tao sa police station pati na ang aming chairwoman. Maraming salamat po.

 

0908417xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen at nais ko lang pong iparating sa inyo na iyong barangay captain sa Barangay Obrero ay masyadong maangas. Nagpapaputok po ng baril ito tuwing nalala-sing. At may mga kaanomalyahan pa po itong ginagawa sa mga pasahod sa tanod ng barangay. Sana po ay maaksyunan ninyo. Salamat.

 

0939366xxxx – Gusto ko lamang pong ipaabot sa inyo ang sumbong na ito mula sa Guihing Elementary School sa Davao del Sur dahil talamak po ang paniningil

ng mga guro sa mga estudyante. Bukod po sa 100 pesos na para sa electric fan at kurtina sa classroom ay mayroon pa silang sinisingil na piso araw-araw sa mga estudyante para raw sa floorwax at test paper kung may exam. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat.

 

0918411xxxx – Sir, irereklamo ko lamang po ang mga kinauukulan dito sa amin dahil po iyong ambulansiya sa aming lugar ay hindi magamit kapag may emergency dahil palaging walang mga opisyal at tanging sila lamang ang nakagagamit ng ambulansiya. Sana po ay maimbestigahan ninyo.

 

ANG INYONG LINGKOD ay mapapanood sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:15 pm, sa programang Balitaang Tapat. At pagsapit ng 5:30 pm sa programang T3.

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

Abangan ang isa na namang kapana-panabik na bakbakang episode ng WANTED sa TV5 mamayang gabi pagkatapos ng Aksyon Journalismo.

Para sa inyong mga sumbong, maaaring magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Ave., Brgy. South Triangle, Quezon City. Maaari ring mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.