Sobra umanong nagpapagamit sa pulitiko Iglesia ni Cristo, binatikos sa Pasay

BINATIKOS NG kanilang mga kapatid sa pananampalataya sa Iglesia ni Cristo ang ilan sa kanilang opisyal sa Pasay City dahil sa diumano’y labis na nagpapagamit sa mga pulitiko sa nasabing lungsod.

Ayon sa ilang miyembro ng INC, nais lamang nilang ipara-ting kay chief executive Eduardo B. Manalo at sa Central ang ginagawang pagpapagamit sa mataas na opisyal ng lungsod, na nagpapakitang ginagamit lamang ang kanilang pananam-palataya sa kanilang personal na interes.

Pinangalanan lamang nilang alyas ‘Bingo’ at ‘Janet Tikas’ ang mga nagpapasimuno ng mga katiwalaan sa loob ng Pasay City Hall, gaya na lamang umano sa mga bidding ng mga proyekto na kunwari lamang mayroong nagaganap subalit ang katotohanan ay walang bidding na nangyayari.

Ang sistema umano sa mga proyekto sa nasabing lungsod ay kung sino ang kanilang kilalang business tycoon na malaking magbigay ng ‘good will money’ ay doon mapupunta ang proyekto.

Ultimong ang pagmamantine umano ng mga aircondition system sa city hall ay hawak rin nina Bingo at Janet Tikas, at pati na rin ang daang ghost employees na umano’y pawang mga kasapi ng INC.

Tinagurian ding ‘bagman’ ng Pasay sina Bingo at Janet Tikas lalo na pagdating sa mga lagayan sa loob ng city hall sa lahat ng mga transaksyon na pumapasok dito tulad na lang sa tanggapan ng Business and Permit Licensing Office (BPLO).

Sinabi pa ng mga ito, na minsan na rin umanong kinuwestiyon ng Commission on Audit (CoA) ang nasabing tanggapan matapos umanong madiskubreng maraming kulang ang kanilang isinumiteng report.

Idinagdag pa ng mga ito, na daig pa umano ang ‘pulis’ kung makakotong itong miyembro ng INC at bitbit ang pangalan ng kanyang dalang relihiyon na kapag lumalapit sa opisyal ng pulitiko ay walang ibang sambit kundi kailangan, walang pondo ang INC kung kaya’t dapat silang makalikom.

Kaya tuloy nagtatanong sila kung totoo nga bang nakararating ang milyong nalilikom sa INC na tila ginagawa na nilang ‘milking cow’ ang city hall na hanggang ngayon ay hindi man lamang makitaan ng pag-unlad.

Kung ikukumpara umano sa ibang lungsod ang Pasay, daig pa umano ang iskwater at hindi man lamang makitaan ng pagbabago.

“’Di bale nang makitaan sila ng korapsyon basta may nakikita man lamang progreso sa city hall. Bakit ang ibang lungsod sa Metro Manila, ang gaganda ng kanilang city hall, maayos, malinis, at mabango. Samantalang ang Pasay, malayo ka pa lamang ay amoy mo na ang baho at dumi sa labas, lalo na sa loob ng city hall,” ani pa ng mga ito.

Kaugnay nito, sinubukan ding makuhanan ng panig ang ilang opisyal ng nasabing lungsod subalit tila wala man lamang nagbibigay ng kanilang komento, dahil mismo umano ang ilang opisyal sa loob ay nag-aaway-away sa usapin ng pera.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.