Sobra raw pumuri ‘pag kaharap: isang artista, nagtatampo sa isang TV host dahil talikuran kung magbigay ng nega na comment!

NAGTATAMPO ‘YUNG isang artistang katsika namin sa isang TV host. Pinayagan daw niya itong ma-invade ang bahay niya.

Ipinalabas na ito sa TV show ng TV host at siyempre, habang tinu-tour siya sa house nito ay manghang-mangha ang TV host sa bonggang house ng naturang artista.

“At kahit balikan n’yo pa ‘yung episode na ‘yon, mararamdaman mo talaga sa kanya na sobrang sincere siya sa paghanga niya sa akin. Ako naman, all the while akala ko, bilib din siya sa design ng bahay ko, sa ayos, sa mga gamit. Puring-puri niya!

“After a few weeks, ‘eto na. Ilang tao na ang nakakausap ko na nakakausap nila si ____ (TV host) at sinasabi nila sa akin na kesyo hindi siya nagandahan sa bahay ko, nanegahan siya. Tapos, ang dami pang suggestions sa mga common friends namin na sana raw, ang ginawa ko sa bahay ko, eh, ganyan, ganito.

“Hindi ko alam na bukod sa pagiging TV host, interior designer din pala siya? At hindi lang pala ako ang biktima niya. Me mga side comment din siya sa bahay ni (isang young actress).”

Isa lang ang sinabi namin sa kausap naming artista: masanay na siya sa TV host, dahil ever since naman ay ‘yun na ang ugali nito. In fairness to the tv host, ‘pag maganda naman sa paningin nito, parang sirang plaka itong ikukuwento kung kani-kanino.

Kaso nga lang, noon pa ugali na ng TV host ang mag-side comment, kaya dapat lang na masanay na kayo.

(By Ogie Diaz)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

loading...

11 thoughts on “Sobra raw pumuri ‘pag kaharap: isang artista, nagtatampo sa isang TV host dahil talikuran kung magbigay ng nega na comment!

  1. edi si kris aquino ang sagot , pero kung ibahin lang kwento konti itira lang yung mahilig manira patalikod mariel rodriguez na hehehe

  2. marami na syang celebrity homes na nai-feature sa show niya; angel locsin, kim chiu, pokwang, ai-ai and today’s feature ay kay shamsey supsup.

Leave a Reply

Your email address will not be published.