Sobra na ang paggapang sa hirap dahil sa bisyo: sexy actress, tinakasan ang condo na hindi nababayaran!

SEXY ACTRES ang bida natin today sa sa ating kolum. Aba, sobra na yata ang paggapang sa hirap nitong si sexy actress. Aba ang latest naming balita sa kanya ay may ginawa itong nakakalokah talaga.

Hindi mo masasabing magagawa niyang takasan ang inuupahang condo unit sa may Quezon City.

At dahil nga mag-aapat na buwan nang ‘di nakababayad sa renta, tumakas na lang ito at nag-utos sa isang kaibigan na bitbitin lahat ang kayang damit palabas ng condo.

Buti na lamang at naipuslit ng kanyang inutusan ang mga damit dahil nga kung nabulilyaso ay walang maisusuot na damit ang hitad na sexy actress.

Yes, sobrang hirap na ang dinaranas ng sexy actres na ito.

Ang sabi lang ng marami, ‘yan ang karma niya.

Hindi na nga siya mabango na tulad ng mga bulaklak, mistulang tuyot at wala na siyang bango.

O, ‘di ba? Kung kailan kasi tumanda, mas naging sugapa sa bisyo.

By Fernan de Guzman

 

loading...

5 thoughts on “Sobra na ang paggapang sa hirap dahil sa bisyo: sexy actress, tinakasan ang condo na hindi nababayaran!

  1. kung naghirap sya pakialam mo?di ka naman nya inaano..ganitong writer klaseng tao dapat gilitan sa leeg para di dumadami..

Leave a Reply

Your email address will not be published.