Soap nina Kristoffer Martin at Julie Anne San Jose certified top-rater

PANALO ANG tambalang Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin dahil sa magandang ratings ng kanilang palabas na Kahit Nasaan Ka Man. Kung saan mula nang umere ito last September 23 hanggang 25, naging consistent na mataas ang ratings  nito, na ang ibig sabihin ay tanggap ng mga manonood ang tambalan ng dalawa.

Pinataob ni Julie Anne ang katapat niyang si Coco Martin dahil ang KNKM ay humamig ng 23.1% kumpara sa 21.6 % ng Juan de la Cruz. Gustung-gusto rin at inaawit ng mga manood ang awiting I’ll Be There kung saan may sariling version si Julie Anne na kasama sa kanyang album at ganu’n din si Kristoffer.

At habang tumatagal ang Kahit Nasaan Ka Man, mas lalong pataas nang pataas ang rating nito, kaya naman daw ganado ang lahat ng mga taong involve sa nasabing serye na mas pagandahin pa ang bawat eksenang ipalalabas araw-araw.

 

TURNING 50 years old sa Oct. 5 si Laguna Governor ER Ejercito, at pabiro nga nitong sinabi na isa na siyang Golden Boy sa pagtungtong niya ng singkwenta anyos.

Hindi nga raw nito malilimutan ang maagang regalo sa kanya ng Comelec, kung saan dini-disqualify siya nito para alisin sa puwesto bilang gobernador ng Laguna, dahil siya raw ay lumabag sa batas sa diumanong overspending na wala raw katotohanan.

Dahil tanging P4,101,586.62 lamang ang kanyang nagastos noong nakaraang halalan at hindi sumobra pa sa P4.5 milyon na tamang budget na puwedeng gamitin sa eleksiyon na gawa-gawa lamang daw ng kanyang kalaban.

Nagpapasalamat nga raw si Gov. ER sa dami ng mga taong sumusuporta sa kanyang laban sa usaping ito mula sa kanyang mga kababayan at mga opisyales ng Laguna. Anu’t ano pa man daw ay lalabas at lalabas din ang katotohanan at malalaman kung sino ang nagsisinungaling.

 

NAGING MATAGUMPAY ang Primetime Program Launch ng TV5 na ginanap sa NBC Tent, Bonifacio Global City last Oct. 2 na may temang “TV5 Goes Everyday All The Way” na magsisimula sa mga bagong segment ng Good Morning Club, ang Good Morning Grace ni Grace Lee, Good Morning Sir nina Erwin Tulfo at Martin Andanar, Good Morning Girls nina Cheryl Cosim, Tuesday Vargas, Twink Macaraeg at Grace Lee at Good Morning Moms ni Christine Bersola-Babao.

Habang sina Gelli De Belen at si Christine Bersola naman ang hosts ng Face the People every weekdays 4:30-5:30 PM; Madam Chairman sa pangunguna ni Megastar Sharon Cuneta kasama sina Jay Manalo, Ciara Sotto, Bayani Agbayani, Cita Obrero, Hermes Magpantay, Fanny Serrano, Akihiro Blanco at Shaira Mae Dela Cruz every weeknights 7pm.

Na susundan ng The Gift na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid na mapapanood gabi-gabi ng 7:30 PM.

First time namang mapapanood sa isang game show si Aga Muhlach, ang Lets Ask Pilipinas na mapapanood tuwing Monday to Friday ng 8:00 to 8:30 PM. Mapapanood din simula sa Oct. 17 ang Primetime Series na Positive at For Love or Money.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

40 thoughts on “Soap nina Kristoffer Martin at Julie Anne San Jose certified top-rater

  1. im happy for their loveteam, may chemistry nman talaga sila.. kaya tingin ko may basis nman ang writer na nagrrate Kahit Nasan ka Man..

  2. top rating??? kailan, paano, saan banda??? hahahaha! dyusko, magkano kaya ang binayad ng kapupo at ni julie anne half moon san jose kay john fontanilla na mahilig sa da who, starlet, sincha? hahahaha! wala ng credibility ang writer na ito halatang bayaran ng kapupo hahahaha! dyusko naman, sa national tv rating nga nilalampaso ni coco martin ang half moon na mukha ni julie anne noh! alam naman natin mahilig mandoktor ng ratings ang kapupo hahahahaha! 

    • At dahil sa national tv rating mo na yan, tsugi ang serye ni Juday, ni Enchang at soon to be yung kay Ms. Dawn. Hakhakhak! Admit it, yung mga shows ng EBS na nagrirate lang sa AGB ang iniextend nila ng bongga. Kahit nga yung radio station nila,sa AGB pa rin nakarely pagdating sa ratings. Hakhakhak!

  3. Anlakas nmn maka ilusyon ng writer slash manager nato! Biased kung biased ang peg nohh! Check nyo po ang NUTAM ng AGB para malaman nyo ang katotohanan kung panu NGUMANGA ang Babalinaserye na yan! Harharhar!

    • Shunga! Wala pong daily ratings ang NUTAM so malamang di rin yan makikita. Monthly lang ang data niyan. yung nasa facebook eh fake yun at uto uto namang naniwala ang mga tangang kapamilya. Hakhakhak!

  4. New Tandem but good in acting skills .
    I love them both specially when it comes to Julie Anne .
    Go Kristoffer ! Go Julie ! Fly high !!

  5. Maganda story ng kahit nasaan ka man and perfect din sinal julie anne at kristoffer as lead role bagay sa kanila parehong magaling umarte at kumanta ..ill be there favorite song ko krislie 

  6. Hindi masyadong obvious na GMA paid publicist itong si ateng John, panay starlets ng Kamuning ang isinusulat. Kaya pala eight weeks lang ang taning nitong serye na to. Baka mapaaga pa dahil binagga nila ang JDC at later on ang Got To Believe.

  7. Marina ang sakit sa panga ang pag i English mo.. Wag munang Englisin mga comment mo.. halata tuloy na BOBO ka. tagalugin mo na lang TEh para masaya… wag ng English ha…

  8. Andaming nagmamaasim na kapamilya huh! Mga ateng, gumawa kasi kayo ng mga original concept na teleserye, hindi yung paulit ulit at recycled chakaness na lang! Baka sakaling swertehin ang Primetime Bida niyo na punong puno na ngayon ng MINISERYE dahil TSUGI DITO TSUGI DOON! Hakhakhak!

  9. Ang ganda ng Kahit Nasaan Ka Man. Magaling talaga itong si Julie multi talented na bata. Pang best actress na ang acting grabee kung lumuha. LSS na rin kami sa I’ll be there na song niya.

  10. Tama lang maging top rater yan kasi maliban sa si Julie Anne ang lead star na kung saan alam naman natin na maraming solid fans, napaka ganda rin ng story kasi kakaiba siya. Sana nga ma extend ito.

  11. Maganda talaga ang Kahit Nasaan Ka Man. Im not a fan of Julie Ann San Jose pero I was surprised na magaling pala siyang umarte. The guy also yung ka partner niya. May laman kasi ang storya hindi yung bale wala lang. Maganda ang pagkakagawa.

  12. Sa totoo lang nakakasawa na ang JDC, ang pangit na ng story, at nakakaumay na rin ang Katniel. Kaya kami sa bahay ngayon Kahit Nasaan Ka Man na ang sinusubaybayan, ang galing din pala talaga ni Julie Anne umarte.

  13. Congrats Julie Anne, paganda nang paganda ang Kahit Nasaan Ka Man, nakakakilig din ang KrisLie, pero syempre mahirap pantayan ang JULIELMO.

  14. Top rater???? Hindi bobo ang mga tao . We know who’s the top rater. Sa AGB yan tinalo “kuno” ng pilot epi niyan ang JDC,, what about the coming days??? Hello… Accept the fact.consistently top rater and JDC, Slide.

    • Tangina, sino pa ba ang nanonood ng BOBOSERYENG JDC? Hakhakhak! Eh inuuto lang ni Charo at ng kampon niya ang mga sarili nila! Walang pampalit kaya pinahaba nang pinahaba! Hakhakhak!

  15. Ha? Either Kantar or AGB Kulelat ang ratings nyan. I’m not sure kung nakakakalahati man lang sila sa ratings ng Juan de la Cruz or Got To Believe na kasabayan nyan ipalabas. Magkano kaya binabayad ng GMA sa mga writers? 

      •  talgang manananlo sila sa ratings tagal ko nag sinabi   diyan  hind makkita ng mata  sa movies walng dayan   di ba?   makkita mo pagsasara at pagtatangal ng mga ari ng sinehan?  diyan lang sa tv may pagasa  ? kita ba purweba ng tao yan?    simple lang  ! kahit man lang diyan makabawi  may maniw3ala pa ba?  kitang kita ebidensiya   kung ialng movies na flop to!

      • Boba, sinong nagsabing walang dayaan sa sinehan?? Eh ang mga pelikula ni Charo Santos puro nangangamoy FREE PASS at PADDING. Huling huli yung attempt magpadding ng EBS doon sa flopchinang Way Back Home ni Ulikba, samantalang si Eugene Mismo ang nagpahiwatig na namimigay ng free passes ang Dos para kunyari matao sa sinehan at benta yung mga ticket. Hakhakhak!

  16. TALAGA WRITER JOHN – ANG FEELING MO ITONG MGA PANGIT NA BAGETS HAVE A BETTER TELESERYE AS A WHOLE? NAKU KEEP ON DREAMING, AFTER A FEW EPSIODES WALA RIN DAHIL THAT’S ALL WHAT GMA CAN OFFER THE YOUNG HOME GROWN TALENTS OF GMA ( WITH CHEAP TF) DAHIL THEIR GOODS ONE ARE ALWAYS GOING OVER THE BAKOD….. PANGIT KAYA NILA!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.