So precious naman ng face…Toni Gonzaga, may ‘No Makeup-No Interview’ Policy?!

REGULAR HOST NGA itong si Toni Gonzaga sa noontime show ng Dos na Happy Yipee Yehey kasama sina John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez etc. at dumagdag na rin ang comedienne na si Pokwang sa eksena. Ayon sa TV host-actress eh, kahit marami raw silang host ng programa eh, wala raw paistaran sa kanila d’un kaya haping-happy, Yiping-yipee at yehey na yehey ang kanilang samahan everyday.

Pero ano naman ang tsikang lumabas na mayroon daw ‘no makeup-no interview’ policy si Toni? Ang siste, tumanggi ang lola n’yo sa isang VTR message para sa birthday ng co-host sa The Buzz na si Charlene Gonzales dahil no kolorete ang kanyang fez that time galing sa isang out-of-town tour. Pero sinabi niya na ‘di naman daw siguro maganda kung babati siya kay Charlene nang gan’un ang hilatsa ng mukha niya at hindi raw dahil wala siyang make-up.

‘Yun naman pala eh, kaya stop na ang pang-iintriga sa multi media star hane? But wait, may mga napitikan ang aming kamerang-gala sa ‘no makeup-no interview’ issue na ‘yan ni Toni, huh! Silipin natin.

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “So precious naman ng face…Toni Gonzaga, may ‘No Makeup-No Interview’ Policy?!

  1. maganda pa rin si toni kahit walang make-up kasi nakita ko na yan in person at talaga namang maganda ang lola n’yo

  2. Pingback: Bartlesville police: Man in makeup not a Juggalo | SpinnerNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.