Tanda Ba News?: Snooky Serna: Urong-sulong na career at lovelife?

MAAGANG NAGSIMULA SA showbiz si Snooky Serna dahil ang mga magulang niya na sina Von Serna at Mila Ocampo ay mga artista na. Unang napanood si Snooky sa 1970 movie na Wanted: Perfect Mother. Nu’ng taon ding ‘yon, nagkamit ng kanyang unang acting nomination ang cute na 4-year-old child actress as Best Child Performer ng FAMAS sa pelikulang My Little Angel.

Ang nasirang direktor na si Lino Brocka ang naging mentor ni Snooky upang mahasa nang husto ang talento sa pag-arte. Taong 1972 nang makamit niya ang kauna-unahang FAMAS award as Best Child Actress para sa pelikulang Sana Mahalin Mo Ako.

Naging parte ng original Regal Babies si Snooky ng Regal Films. Naka-loveteam niya sina Gabby Concepcion at Albert Martinez sa iba’t ibang pelikula. At kahit nasa teen years pa lang siya, isinabak na rin si Snooky sa mga daring na pelikula tulad ng Strangers in Paradise, Experience, Bata Pa Si Sabel, at Teenage Marriage.

During the 80s, ilang blockbuster films din ang nasalihan ni Snooky: Underage, Schoolgirls, Story of Three Loves and Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ang naging karibal ni Snooky sa kasikatan noon ay si Maricel Soriano.

Napansin din ang kahusayan ni Snooky ng mga award-giving bodies sa mga pelikulang Kapag Napagod Ang Puso kasama si Christopher de Leon at sa Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin. Nagtuluy-tuloy pa rin sa paggawa ng magagandang pelikula si Snooky tulad ng Abot Hanggang Sukdulan, Yesterday, Today and Tomorrow, Hahamakin ang Lahat [with Vilma Santos], Blusang Itim, Rosa Mystica, at Madonna: Ang Babaeng Ahas. Sa pelikulang Koronang Itim niya nakopo ang kanyang kauna-unahang Best Lead Actress trophy.

Late ‘90s pansamantalang umiwas sa limelight si Snooky at inasikaso ang kanyang pamilya. Nang muli siyang nagbalik, sa TV naman natuon ang kanyang pansin. Recently, nakasama si Snooky sa iba’t ibang teleserye ng ABS-CBN at GMA-7.

Labindalawang taon silang nagsama ng actor-model na si Ricardo Cepeda, pero noong 2006, naghiwalay rin sila. Muli siyang nagpakasal kay Niño Mendoza, miyembro ng isang banda, pero nauwi rin ‘yon sa hiwalayan. Sa kasalukuyan, muling nagningning ang career at lovelife ni Snooky.

By Eric Borromeo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.