Snooky Serna, tikom ang bibig sa isyu nila ni Gabby Concepcion – Tita Swarding

OLA CHIKKA! PINUTAKTI na naman ang aking e-mail tungkol sa isyung Snooky Serna at Gabby Concepcion, hinggil sa utang diumano ni Gabo na hindi nito binayaran nang matagal na panahon ang humigit-kumulang na kalahating milyong pisong pagkakautang kay Snooky.

Nakausap ko ang aking parazzi girl. Ayaw raw munang magsalita ni Kooky tungkol sa isyung lumalaki na ngayon at tikom ang kanyang bibig sa kahit mensahe lang para sa guwapong aktor. ‘Yan ang chikka ng aking parazzi girl. Naku, ha?!

Dahil sa isyung ito, naungkat na naman muli ang mga eskandalong hinarap ng guwapong aktor noon, kung saan nabaon na sa limot.

Ano naman kaya ang masasabi ng anak ni Gabo na si KC tungkol sa akusa ng beteranang aktres na si Snooky sa utang ng ama nito? Naloka ako, ha?!

TIKOM DIN ANG bibig ng country folk singer na si Freddie Aguilar tungkol sa eskandalong ginawa ng kanyang pamangkin na si Jason Ivler, na kasalukuyang nasa hospital magpahanggang ngayon at binabantayan ng awtoridad.

Kapatid ng magaling na singer na si ka Freddie ang ina ni Jason na si Marlene Aguilar. Alam naman daw pala ng magaling na singer kung saan nagtatago ang pamangkin nito ngunit hindi ito nagsumbong sa pulisya para mahuli ang kanyang pamangkin. ‘Yan ang chikka sa akin ng aking parazzi girl.

Dagdag pang chikka na nakarating din sa akin, mismong ang folk singer daw pala ang nag-uudyok sa ina ni Jason na ‘wag daw ilabas ang pamangkin, huh! Nakakaloka, ha?!

Pati rin ang pinsan ni Jason na si Megan Aguilar, ayaw ring magsalita sa kinahantungan ng pinsan, at dinadalaw pa raw nito ang pinsan sa hospital. Puro tikom ang kanilang bibig at ayaw munang magsalita. Naku, ha?! ‘Yun na!

MULA SA AKING puso, ako po ay nakikiramay sa pagpanaw ni Press secretary Cerge Remonde. Marami ang nabigla sa pagkamatay nito. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, dahil siya rin ang unang tumulong sa akin nu’ng ako’y nasa hospital. Hindi po niya ako pinabayaan. Mula sa aking puso, ako po ay nakikiramay sa mga naiwan ni Sec. Cerge.

‘Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa dwbl 1242 khz everyday 8-9 A.M. at sa dzrh 666 khz every Sunday. At makikita n’yo rin ang beauty ko sa inyong telebisyon sa rhtv from 2:30-3:30 P.M. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Snooky Serna, tikom ang bibig sa isyu nila ni Gabby Concepcion – Tita Swarding

  1. big loss si sec. cerge remonde. im not a fan of the present administration pero ramdam mo talaga na madaming nagmamahal kay cerge kahit yung mga anti-administration pa, he has a good reputation because he’s a good man. may he rest in peace. nakakalungkot talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.