Snooky Serna, takot nang matalakan ni Direk Joel Lamangan!

PAGKATAPOS MATALAK-TALAKAN NOON ni Direk Joel Lamangan si Snooky Serna sa shooting ng digital movie nilang Dukot, ngayon ay okey na sila muli.

Isinumpa ni Direk Joel na ayaw na niyang makatrabaho muli si Snooky pagkatapos silang paghintayin nang mahigit dalawang oras sa shooting ng Dukot.

Ngayon, very apologetic na si Snooky at humihingi ng isa pang pagkakataon dahil nagbago naman daw siya talaga. Minsan lang naman daw nangyari ‘yung na-late siya nang dating.

Mabait naman si Direk Joel kaya isinama uli ito sa isa pang project na gagawin nila, ang Sagrada Pamilya. Nagkaroon ng story conference ang project na ito nu’ng nakaraang Martes ng gabi at nagkita silang dalawa roon. Nagkausap nang masinsinanan at muling humingi ng sorry si Snooky kay Direk Joel.

Maayos naman daw silang nagkausap at nangako si Snooky na hindi na mauulit ‘yung pinaghintay sila nang matagal, sana tuparin nga raw ito ng aktres.

“Ayoko lang nga nu’ng pinaghintay niya ang napakaraming tao. Kahit sinong superstar o sinong megastar na, hindi naman nagpahintay ng napakaraming tao nang almost three hours. Wala naman akong na-experience na ganu’n. So I asked her not to do it again and sabi naman niya she will not do it again,” pahayag ni Direk Joel.

Malaki ang pasasalamat ni Snooky at muli siyang binigyan ng isa pang pagkakataon. Ibinigay pa sa kanya ang magandang role na matsa-challenge daw ang galing niya sa pag-arte.

“Nawala na ang kaba ko kanina kasi talaga, ang feeling ko bago dumating si Direk Joel, nandito sa lalamunan ko ang puso ko sa sobrang nerbiyos,” kuwento ni Snooky.

Nagpapasalamat naman siya, okey na raw sila ni Direk Joel at nangako itong hindi na mauulit ang nangyari sa kanila noon sa shooting ng Dukot.

HINDI NA UMABOT sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa flight nila pa-Bohol nu’ng nakaraang Martes kaya kahapon lang sila natuloy para sa shooting ng pelikulang may tentative title na Narito Ako ng Regal Films.

Naloka nga si Mother Lily nang nalaman nitong hindi umabot ang dalawa dahil naka-schedule na sana sila ng shooting kinabukasan.

Nag-sorry naman ang dalawa dahil na-trapik sila. Sunud-sunod kasi ang taping nila sa All My Life dahil kailangan nilang mag-bangko ng maraming episode. Hanggang July 21 kasi silang magsu-shooting doon sa Bohol.

‘Di ba taga-Bohol si Rich Asuncion ang napabalitang girlfriend dati ni Aljur? Wala kaya siyang balak na dalawin doon ang pamilya ni Rich?

Ang pagkakaalam ko, okey pa rin naman sila ngayon, pero hindi ko lang tiyak kung sila pa rin dahil mukhang nagkakadebelopan naman sina Aljur at Kris.

Kahit nga sina Kris at Rich, magkaibigan pa rin at hindi naman nagkaroon ng conflict nang ma-develop ang loveteam nina Aljur at Kris. Nagkakaintindihan naman daw sila at magkaibigan naman daw silang dalawa mula nu’ng Starstruck days.

Anyway, malaki na ang tiwala ng Regal sa loveteam nina Aljur at Kris dahil napatunayan na nila ito sa kanilang TV series. Kaya puwede na silang gawan ng pelikula na sana tangkilkin ng kanilang mga fans.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.