Snooky Serna says GOODBYE PEDICAB!

Dati’y natiyempuhan ng ating kamerang-gala ang premyadong aktres na si Snooky Serna na sumasakay ng pedicab sa may bandang Timog. At para nga sa stature ng aktres, nakabibigla ang ganitong tanawin. Kahit pa sabihin niyang malapit lang naman kasi ang pupuntahan niya, at wala nga naman daw masama kung mag-pedicab siya.

Pero hindi nga lang ang eksenang iyon ang naispatan ng matitinik nating photogs. Kahit ang pagpara niya ng taxi, matapos siyang magpainterbyu sa isang restaurant, kuhang-kuha rin ng mga lente ng ating kamerang-gala.

Naloloka na nga iba sa kadramahan nitong si Snooky. Nariyan pa ngang nagpakalbo ito, dahil sa role na ginampanan sa isang indie film daw. At nagpa-tattoo pa! Na nakatuwaan lang daw nila ng kanyang anak.

Pero, siyempre may bago na namang drama itong si Kookie. Mayroon na ulit siyang bagong boyfriend na negosyante umano, at siyang tumutulong sa kanya ngayon.

Kaya nga ba sa huling eksenang nakunan ng ating kamerang-gala, de-kotse na ang hitad. At take note, may driver pa, huh! O, ‘di ba naman! Goodbye na sa pedicab ang byuti ni Snooky!

PHOTOS BY FERNAN SUCALIT, LUZ CANDABA, YOMEN & FROM PARAZZI WIRES

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.