Snooky Serna, may katsugihang tomboy?!

NAPANOOD KO SA Tweetbiz na pinag-usapan nilang may katsugihan daw na tomboy si Snooky Serna. Nakakaloka naman iyan!

Nagsimula ‘yan nang magpa-interview si Snooky sa Paparazzi at ang dami niyang rebelasyon doon na isa na nga rito ang pagpatol niya sa tibo.

Hiwalay na raw sila ng non-showbiz boyfriend niya at ngayon ay loveless daw siya. Pero kuwento ni Mr. Fu ng Tweetbiz, nakita raw niya kamakailan lang si Snooky sa The Fort na may kasama ngang tibo at parang ang sweet daw nila.

Nagkabatian pa nga raw sila na parang hindi naman nagulat si Snooky. Ewan ko lang kung sinadya talaga nito para makita siya at mapag-usapan na naman.

Kaya ayan! Abangan n’yo sa Startalk dahil may interview sa kanya si Butch Francisco para linawin ang isyung katomboyan na iyan.

Lilinawin nito kung totoong may kilalang aktres na may pagkatomboy rin na nanligaw sa kanya at nagregalo pa nga raw ng alahas sa kanya.

Naloka nga ako nang nalaman ko kung sino itong aktres na ito dahil halos kasabayan pa niya noon.

Tingnan n’yo na lang bukas sa Startalk kung ano na naman ang mga sasabihin nitong Snooky na ‘to!

PINAG-UUSAPAN NANG BABALIK na raw sa Wowowee si Willie Revillame bukas pero ang tingin ko hindi pa.

Ang dinig ko, paalis ito patungong Macau kasama ang iba pa niyang kilalang kaibigan na ayoko namang sabihin kung sino ‘no!

Alam ko private plane sila patungong Macau at hindi ko na alam kung sino ang mga kasama niya.

Kailangan naman daw niya munang magbakasyon muna dahil siyempre depressed pa iyan sa nakaraang eleksiyon.

Pero sinasabihan ko namang tuloy ang buhay. Huwag patatalo, at ituloy ang kung ano mang nasimulan niya.

Kung gusto pa nitong makatulong sa mga nangangailangan, tuloy pa rin ‘yun.

Anak-anakan ko naman si Jobert Sucaldito, at alam kong madali namang makausap iyan. Kaya palagay ko, maaayos naman sila.

NAKU! PAGBIGYAN KO nga pala ang pakiusap ni Jobert dahil meron na naman siyang pinrodyus na concert, ang A Night with Richard Poon, tampok siyempre ang bestfriend niyang si Richard Poon with his 15-piece orchestra. Special guest din dito si Aiza Seguerra na gaganapin sa Zirkoh Morato bukas ng gabi.

Siyempre major sponsor niya rito ang Mama Fely dela Cruz ko ng People’s General Insurance, Corp. at ang Globe Asiatique Realty Hol-dings, Inc. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

20 thoughts on “Snooky Serna, may katsugihang tomboy?!

  1. UTANG NA LOOB ABS AYAW NA NAMING MAKAKITA NG SOBRANG PANGIT NA HOST TULAD NG LASPAG NA MUKHA NI WILLIE…DAMING POGI GABBY MONTANO ROBIN

  2. DI KAMI GALIT KAY WILLIE DAHIL MAYAMAN SIYA GALIT KAMI DAHIL HAMBOG SIYA

  3. GRABE DIN ITONG SI SNOOKY…HOY SNOKS MATANDA KANA….MAGTINO KA NA…ANO BA YAN GURANG NA GUMAGAWA PA NG MILAGRO KADIRI….
    MAGTIGIL KANA SNOKS KC MATANDA KANA AT MAGTINO KANA KAKAHIYA KA.

  4. HUWAG KANG MAG ALALA LOLIT. MASKI TALUNAN SI MANNY AT WILLIE, MAY PERA PA RIN SILA. SIGURADONG BABAYARAN KA SA MGA SERBISYO MO. KUNG HINDI, EH DI ITSISMIS MO SILA DITO SA COLUMN MO.

  5. BAKIT BA GALIT KAU KAY WELLIE EH KASI MASIPAG SIYA KAYA YUMAMAN DI BA?
    KAYA MAGSIKAP DIN KAYO PARA UMASENSO…PURO DAKDAK MAGTRABAHO KAYO PARA MAGKAPERA UMASENSO KANYA KANYANG STYLE LANG EHHHH.
    MAGTIGIL NA KAYO INGGIT GRABE EH WALA NAMAN GINAWA SA INYO YONG TO GALIT KAYO..
    TRABAHO NA KAU PARA YUMAMAN.AT TIGIL NG MGA INGGIT NA YAN.

  6. SI WILLIE TUMANDANG PANGIT HINDI KATULAD NILA GABBY,BONG REVILLA AT ROBIN.PALITAN NA KAKASAWA NAMANG PANOORIN ANG PANGIT NA LOSYANG NA HOST.PALITAN NINYO NG POGIE

  7. MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO .................MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO .....MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO .....MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO ...

    MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO ……………..MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO …..MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO …..MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO …..,,…

  8. hay nku..nkapakabitter ni lolitang mukhang pera dhil sa pgkatalo ni villar…c pokwang ngaun ang tinitira at sinisiraan..kwawa k nmn…nkapakaplastik mo..kau ni willie ang dahilan kung bakit ntalo din c villar.hahahha..OA kc…mga mukhng pera…wla ng ginwa kung hndi siraan c kris aquino plibhasa kc wla kang makuha sa knya..dapt sa inyo inililibing ng buhay..isa kau sa putik n ngpapabgsak sa bansa..ewwwwwwwwww

  9. Ina mo Lolit. Dati tira ka nag tira ke Willie, dahil pareho kayung humimod sa tae ni Villar,ngayon kung ipagtanggol mo sya, feeling bff ka. Sabagay bagay kayo, pareho kayung mal edukado. Galit ka ke Kris, kasi di mo sya maharbatan, pero nung dinemanda ka nina Sam & Piolo, saka nung halos mamatay si Kris sa panganganak ke Baby James dahil sa pang iintriga mo dun sa ka cheapan mong Hpe Centeno, sabi mo pumunta ka sa ABS tapus nakita mo si Kris na kesyo walang ka mean bone mean bone sa katawan. Sa tutuo lang, pag namatay ka, si Alfongga saka si Willie, magdidiwang ang Pilipinas, for sure pramis!

    • perpekto di komento! yan din ang naiisip ko eh. hindi siguro makaharbat kay kris aquino! buti nga dahil hindi itotolerate ni kris ang mga kagaya ni lolit! may hangganan ka din lolit!

  10. at please. sana huwag ng bumalik ng wowowee si willie…

    ipalit si edu manzano or cesar montano.. then baguhin ang title ng show…

  11. si chavit singson ang makakasama ni willie sa macau, lolit.

    private plane ni singson ang sasakyan nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.