Snooky Serna, lulong na rin sa casino?! – Archie de Calma

MARAMI ANG NAGTATANONG kung bakit si Kris Allen lang ang dadalhin ng grupo ni Jomari Yllana (Fearless Productions) sa Manila para sa Musicfest 2010. Kasama ng American Idol winner ang America’s Best Dance Crew winner, consisting of some half-breed Pinoys, ang Jabbawockeez, at ang boyband na Boyce Avenue sa nasabing concert na gaganapin sa McKinley Hill Open Grounds sa February 6.

Sinabi ni Jom na hindi na nila naisip pang isama sa package si Adam Lambert, ang runner up ni Kris sa American Idol dahil magmumukhang katulad lang ng konsepto ng pagsasama nina David Cook at David Archuleta last year ang magiging gimmick. We honestly believe na sa Pilipinas, mas popular at kontrobersiyal ngayon si Adam having waxed two successful single recordings, “Time for Miracles,” ang theme song ng pelikulang 2012 at ang “For Your Entertainment.”

Siguradong dudumugin pa rin ito ng followers ng nabanggit na American Idol winner, na sa February 5, magkakaroon din ng concert sa SM Cebu City Open Grounds, sa pakikipagtulungan ng Channel V at GMA-7.

Kasama sa team ni Jom ang business partner niyang si Ronald Singson. Mukhang worried din si Jom sa mga lumalabas na negatibong balita tungkol kay Lovi Poe, na nakikita rin naman ni Jom na kasa-kasama ni Ronald. Pero, kung anuman kasi ang mga isyu tungkol kina Ronald at Lovi, wala siya sa posisyon para magtanong at makialam dito. Parang naguguluhan din lang kasi siya dahil siguro sa nakakaladkad na ang pangalan ng kaibigan niya sa mga kontrobersiya.

Sa sariling isyu naman, nilinaw ni Jomari na kung sinuman daw ‘yung blondienang ka-date daw niya sa Camarines Sur noong huling punta niya roon, kaibigan lang daw niya ito. Kasama raw nito roon ang isa pang hairstylist ni Jom na kulay blonde din ang hair, pero mga Pinoy raw ito at hindi mga foreigner.

As of the moment, walang idine-date exclusively si Jom. Almost a year na palang hiwalay sila ni Pops Fernandez. Ngayon, magsasama sa isang concert sina Pops at Martin, pero hindi na ang grupo ni Jom ang nagpo-produce nito. Tatapatan naman ito ng isa pang Valentine show, sa Captain’s Bar, sa February 12 and 14, kung saan makakasama ni Jom na magpe-perform sina Kuh Ledesma at Christopher de Leon, may pamagat na Forever Love, na si Kuh rin mismo ang nagpo-produce.

AYAW RAW PATULAN ni Snooky Serna ang isyung may utang si Gabby Concepcion sa kanya na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso. Matagal na raw ang pagkakautang nito, noong mga Regal Babies pa sila at si Snooky ay kumikita pa ng malaki. Gustong klaruhin ni Snooky na wala raw ganitong chika, ayaw na niyang mag-comment dahil baka humaba pa. Basta raw nakiramay si Gabby sa kanya nang yumao ang ina niyang si Mila Ocampo. Nananatili raw silang magkaibigan.

Pero, ano itong nabalitaan namin na sa break ng taping ni Snooky ng Maalaala Mo Kaya ay namataan siya ng ilang reporters sa isang casino. Nag-attempt pang magtalukbong diumano ni Snooky para hindi siya ma-recognize, pero lumapit pa ang mga katikaterang movie reporters para batiin siya, kaya walang nagawa si Snooky, but to say hi na rin.

We’re very sure, pagpipistahan na naman ito ng press. Pero, wala nang bago rito. Lalo na’t wala na rin ang ina ni Snooky, kung ano raw ang nakamulatan nito sa ina (na kilalang nalulong sa sugal) ay siya naman ang nagpapatuloy. Despite the fact na bongga na naman ang feedback sa ginagawa ni Snooky as an actress at pinupuri-puri ang akting niya sa Sagrada Familia.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

3 thoughts on “Snooky Serna, lulong na rin sa casino?! – Archie de Calma

  1. ako ang taong walang hilig sa casino at pwede akong mabuhay ng wala niyan. Dito sa U.S. libangan na ng mga pinoy ang pagka-casino at wala akong nakikitang masama sa pagka-casino kung nililimitahan mo ang paglalaro mo. Pwedeng naglilibang lang si snooky dahil kamamatay lang ng kanyang ina. :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.