Snooky Serna laughs at her own silliness!

 

MATAGUMPAY NA NAIDAOS ang PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa Resorts World nitong Martes (June 21) and will be aired sa ABS-CBN this Sunday (June 26) at 10:45 PM. Among the winners sa major categories ay sina Ai-Ai delas Alas bilang best actress at Wenn Deramas bilang best director for Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To) na siyang nanalo ring movie of the year, Coco Martin bilang best actor for Noy, Eugene Domingo (best supporting actress-Tanging Ina Mo), at Tirso Cruz III (best supporting actor for Sigwa).

Nakakatawa na tinangkang mang-agaw ng eksena ni Madam Auring. In fairness, mega-interview naman sa kanya ang ilang TV crew, kung saan buong ningning na ipinagmamalaki niyang may bago raw siyang lovelife. At may-ari diumano ng Jed’s Island resort ang kanyang boyfriend ngayon.

“Hinihintay ko nga siya, eh. Nagtataka ako kung bakit wala pa siya,” sabi pa ni Madam Auring na after ng interview ay paikut-ikot lang sa loob ng Newport Performing Arts Theater ng Resorts World.

Hanggang sa nawala na lang ito bigla. Wala kasing nakitang dumating na lalaking sinasabing bagong dyowa niya ngayon.  Siguro, na-feel din nito na deadma na ang crew ng mga showbiz talk shows dahil wa appear ang kanyang ipinagmamalaking bagong special someone.

Ilang nakatambay rin sa lobby ang nagtatanong, bakit daw gano’n na ang retokadang ilong ni Madam Auring? Parang magsasara na ang dalawang butas? Sa kapapabanat daw siguro ng mukha nito.

‘Yun na!

 

NALOKA NAMAN ANG mga TV crew at maging kami man kay Snooky Serna. Habang ini-interview kasi nila ito, isang taga-In The Limelight ang biglang nagtanong how does she feel na nominated na naman siya for Star Awards For Movies.

Buong ningning namang sinagot ni Snooky ang tanong saying, “Oh, my God! I feel honored! Hindi ko expected that they (the Philippine Movie Pres Club) will acknowledge my participation.”

Alam naman ni Snooky na she was there, and she was invited to attend the Star Awards not as a no-minee but as a presentor. Nakalimutan niya ‘yon?

Nabigla kasi siya nang bulungan naming hindi siya nominated.

“Ah… hindi ba?” reaksiyon niya. “Hindi pala!” sabi niya sa mga nag-i-interview na TV crew. “Ek ek lang ‘yon. Ha-ha-ha!”

Pinagtawanan na rin lang ni Snooky ang sarili niya.

 

SPEAKING OF SNOOKY, nahingan namin siya ng reaksiyon sa isyung galit daw sa kanya ngayon si Maricel Soriano dahil siya umano ang nagbuking na ikakasal na ito.

“Hayyy!” natawa si Snooky. “Alam n’yo, I’m so sorry, I will admit that truth na ayokong mag-lie.

“Marya, nagsu-sorry ako talaga,” mensahe niyang gustong iparating kay Maricel. “Kung maling information, I’m really very sorry. Sis, I love you, I don’t mean to offend you or pangunahan ka.

“Gusto ko lang sabihin na I’m very assured kahit hindi kami nagkikita ni Maricel ngayon, lately from our mutual friends, I learned that she is in a good place. I mean she’s well she’s sound, she’s the same Maricel Soriano, the Diamond Star.

“You know, everything is going on fine in her life. Mabubulaga na ulit kayo kay Maricel.”

“Alam mo ang wish ko rin, ang prayer ko, sana magkita rin kami ni Maricel. Gusto kong makausap siya nang personal.  Kasi matagal-tagal na rin na hindi kami nagkita in person.

“Gusto ko siyang makita nang personal. And siguro to say sorry na rin. Dahil ‘di ba parang pinangunahan ko siya.

“And at the same time, to ano… just to… not check on her because I know she’s okay, eh. But to ano lang… to bond with her.”

Kilala si Maricel sa pagiging Taray Queen. Paano kung tarayan at talakan siya nito dahil nga sa pambubu-king niyang engaged na ito?

“Ay, hindi ako tatarayan no’n. Love ako no’n!”

Ganyan? Sure siya?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.