Snooky Serna, binulyawan ni Direk Joel Lamangan!

PILIT PA RIN naming iniintindi ang panig ni Snooky Serna kahit nga marami ang nagsasabing okey na, so far, ang ipinakikitang attitude nito sa trabaho. Pero, sa Facebook status ng aktres, ipinahayag niya roon ang paghingi ng opinyon tungkol sa asta diumano ng isang direktor.

Ayon sa ipinahayag ni Kukay, sa last shooting day raw ng isang pelikula, tama ba na bulyawan ng direktor ang isang artista sa harap ng maraming tao? Kahit nagpapasabi ang artista na male-late siya dahil sumasakit ang katawan niya.

Samantalang may pagkakataon daw na na-late ang isang co-star sa produksiyong nabanggit, pero hindi naman daw kinastigo ng direktor. Sa ipinahayag ni Kukay, litaw agad na siya ang artistang tinutukoy niya mismo.

Alam din agad namin na si Joel Lamangan ang malamang na tinutukoy na direktor dahil tinatapos ni Kuks dito ang Dukot, at si Joel ang direktor dito. Kilala si Joel sa pagiging temperamental, and very particular sa mga nale-late at cause of delay.

Natural, marami sa circle of friends ni Snooky ang nag-sympathize agad sa kanya, samantalang hindi pa nila alam ang puno’t dulo talaga ng pangyayari. Lagi kasing may dalawang sides ang kuwento.

Kaibigan namin si Kukay, pero hindi kami nagdalawang-isip na mag-comment sa postings niya, at sabihing “late is late.” Kahit ano pa ang irason d’yan, sa mundo ng showbiz na maraming naaabala at napaghihintay, walang excuse ang kahit na sino na pagpasensiyahan, unless, bedridden na talaga sila at incapacitated para magtrabaho.

Snooky should know where she’s really coming from. Basang-basa ang papel niya sa showbiz. Pagong forever ang imahe niya. Hindi ‘yun basta mabubura lang ng ganoon sa pamamagitan ng isa o hanggang tatlong proyektong nagpapakitang-gilas siya sa pagdating ng maaga.

Nagulat nga kami, finally, umokey si Direk Joel na idirek siya. Hindi nga lang pumutok talaga ang chika na sa umpisa pa lang, pinagsabihan na ng co-star niyang si Gina Alajar si Kuks na huwag na huwag siyang male-late o magiging cause of delay, dahil tiyak na ‘yun ang pagsisimulan ng problema, na bago tuluyang matapos ang shooting, hayan at may nangyari na nga.

Ang ginawa ni Kuks, inunahan niya sa Facebook ang maaaring lumabas na intriga, samantalang dapat na ang ginawa niya, kinausap niya nang masinsinan ang direktor, at tinanggap na lang ang lahat ng masasakit na salitang inihataw sa kanya. Let’s face it, Kuks has no other choice.

Showbiz people just got tired of Snooky’s alibis na mate-trace sa mga nakaraang taong ginugol niya sa showbiz. Kaya kahit ano pa ang sabihin niya, sa mundo ng showbiz, mas papanigan si Direk Joel kaysa kanya. At nag-post pa si Snooky roon na she doesn’t care kung gumawa pa raw ng paraan ang direktor na tinutukoy niya para sirain siya at wala na talagang kumuha rito.

Sana nga, maayos pa ito. Kasi, nakapanghihinayang dahil may mga publicity na para sa susunod na bonggang project ni Direk Joel, ang Familia Sagrado na tatampukan diumano ni Kuks with Lovi Poe and Emilio Garcia. Ewan din lang kung matuloy pa si Snooky rito.

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

2 thoughts on “Snooky Serna, binulyawan ni Direk Joel Lamangan!

  1. naman! snooky serna, joel lamangan; sino naman kaya ang mas higit na may credibility at paniniwalaan ng mga tao??? nakadikit na sa imahe ni snooky ang lahat ng mga bad attitudes niya with respect to her showbiz persona.

Leave a Reply

Your email address will not be published.