Snatcher, Tiklo sa Mala-sirenang Tili ng Biktima

DAHIL SA mala-sirenang tili ng biniktima, nagawang mahabol at madakip ang isang snatcher sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang suspek na si Jonathan Tolentino, 18, ng Tuna St., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali, naglalakad ang biktimang si Mary Jane Ramos, 27, sa Monumento ng lungsod nang mula sa likod ay sumulpot ang suspek sabay hablot sa cellphone ng biktima.

Matapos ang insidente ay nagtatakbo papatakas ang suspek subalit nagtitili ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga nakatambay.

Agad na hinabol ang suspek at nadakip kung saan nabawi ang cellphone ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.