Snatcher, Nadakma

SWAK SA PIITAN ang snatcher nang ma-daanan ng mga pulis makaraang mambiktima ng kasakay sa pampasaherong jeep sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Mark Anthony Perez, 18, ng Jordan St., Quezon City.

Sa pahayag si Edison Duland, 35, ala-1 ng umaga, kasakay niya ang suspek sa jeep na pampasahero at pagsapit sa Nova Ville, Deparo ng lungsod ay hinablot ni Perez ang hawak na cellphone ng biktima.

Mabilis na nakababa ng jeep ang suspek at papatakas na subalit nadaanan ng mga nagrorondang mga pulis at nang malaman ang pangyayari ay hinabol si Perez.

Nadakip ang suspek at nabawi ang Nokia 1110 ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.