Smugglers at Collectors

KADYUTIN MUNA natin, parekoy, itong ilang matitikas na umiikot sa mga gambling lord at nagpapakilalang sila raw ang mga collector ng mga opisyal ng PNP at ilang taga-DILG.

Ang mga collector/bagman na ating babanggitin ay mas matikas pa kung makaasta kesa sa kanilang mga amo, kaya naman tuwing araw ng collection ay umiiyak talaga ang mga hinayupak na gambling lord!

Sa bagay, dapat lang naman talagang pahirapan para tumigil na ang mga iligalistang ito. Kaya lang, hindi po magandang pakinggan PNP Chief, Director General Nicanor Bartolome, na mabalitaan ng madlang pipol na nakapatong na tuloy ang mga opisyal mo rito sa iligal na sugal!

Narito, parekoy, ang listahang ibinigay ng ating tawiwit na masigasig umanong umikot sa mga gambling lord: Allen at Jiggs para sa Bicutan; Maj Lleva at Jojo sa Northern Police District bitbit ang pangalan ni NPD Dir. C/Supt. Antonio Decano; Sgt. Dizon para sa SPD; Danny at Rico sa Southern Tagalog; alyas Kilates sa Central Luzon; Kapitan at Erning para naman sa kampo Crame.

Samantala, isang Boy ang nagungulekta bitbit umano ang pangalan ni Usec. Puno; at sina Noel Tigas at Ben Pulo naman ang bumibitbit ng CIDG.

Simula ngayon ay aabangan natin, parekoy, kung may hakbang nga na gagawin ang PNP at DILG!

 

MATAPOS NATING isiwalat ang istayl ni TINA YU, ang tinaguriang plastic queen sa Bureau of Customs na ibinulgar ng ating tawiwit na naglalagay umano ng P300,000.00 bawat container sa mga appraiser at examiner mailusot lang ang kanyang mga parating na bakal at resins at mga sangkap sa paggawa ng plastic.

Na kahit ang kanyang “import permit” ay para lang sa “transhipment sa Subic Freeport”, pero nagagamit niya ito para mailusot hanggang sa Port of Manila ang kanyang mga “parating” mula sa China, Vietnam at paminsan-minsan ay Singapore.

Ayon pa sa ating tawiwit, itong si plastic queen ay super-lakas simula pa noong panahon ni Lola Gloria!

Para sa dagdag kaalaman ni BOC Commissioner Ruffy Biazon, isa pang smuggler ang ibinulgar ng ating tawiwit sa nakaraang isyu na ang istayl ay may back-up pang mga opisyal ng pulis kapag nailusot na niya sa Customs ang kanyang mga parating!

Si Jeffrey King, parekoy, ang bumubuhos dito sa ‘Pinas ng mga piniratang DVD, mga fake na lady bags at iba’t ibang uri ng relo.

Katunayan, noon lamang Disyembre, sa kasagsagan ng kampanya ni Comm. Biazon laban sa mga ismagler ay sandamakmak na kalakal ang ipinarating ni Jeffrey King.

Dito na tayo naniwala na malalim nga ang protection nitong si King dahil nang hinuli ang kanyang mga kalakal sa isang bodega nito sa Valenzuela City ay biglang lumutang ang isang police major na dating assigned sa Bicutan pero ngayon ay pulis Navotas.

Heto ang kanyang litany sa mga apprehending officer.

“Sir, kung hindi ko ho maaareglo ‘yan ay tiyak na tatawag sa iyo si General Laurel.”

Ganyan, parekoy, kalupit ang kunek nitong si Jeffrey King na ayon sa ating tawiwit ay doon pala nagpupulong ang mga galamay nito sa restaurant ni King sa Ongpin!

Maliban kina plastic queen Tina Yu at Jeffrey King, matunog din ang pangalan ng tinaguriang JADE BROS. (Kuya George Tan at David Tan).

Lintek, parekoy, ang konek ng mag-utol na ito sa mga examiner at appraiser, na kahit nasa kasagsagan noon ang kampanya ni Comm. Biazon ay lusot pa rin ang parating ng Jade Bros. gamit ang iba’t ibang pwerto ng bansa!

Maliban sa mga nabanggit, dinadakila rin sa Customs itong si alyas Big Mama, dahil maliban sa may angkin itong “big tits” tiyak pa na “big pocket”!

Gets mo na Commissioner Ruffy Biazon?                         (May karugtong)

 

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa junbriones69@yahoo.com o CP No. 09321688734.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.