Smuggled Chinese Cigarettes, Nagkalat na sa Divisoria

IPINAKITA NI Senate President Juan Ponce-Enrile sa media ang isang pakete ng smuggled Chinese cigarette, na may pangalang “Yun Yan” na nagkalat na ngayon sa Divisoria. Aniya, dahil ito sa napipintong pagsasabatas ng Sin Tax Reform Bill.

Nais iparating ng Senador na dapat aniyang paigtingin ng mga awtoridad ang kampanya laban sa smuggled goods lalo na na ang mga sigarilyo at alak na ‘di na mabatid ang bilang nang naipupuslit sa bansa.

Isa si Enrile sa mga nagsulong sa probisyon sa Sin Tax Bill, na maglaan ng P2 bilyon mula sa kikitaing buwis para palakasin ang kampanya laban sa smuggling.

Matatandaang aprubado na ng Senado ang panukala, ngunit magkakaroon pa ng bicameral conference committee bago lagdaan at gawing batas ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.