Smartmatic President Cesar Flores, bagong lalaki sa buhay ni Ruffa Gutierrez?!

IT’S SEEMS PASADO kay Ruffa Gutierrez ang tipo ng lalaking gaya ni Smartmatic President Cesar Flores. Balitang una silang nagkakilala sa kanyang birthday party last last June 23. And since then, nagkakapalitan na nga raw sila ng text messages. May mga tweets din sila sa isa’t isa sa kanilang Twitter accounts.

At dahil diyan, inuulan ngayon ng biro si Ruffa tungkol sa Venezuelan guy na experto pagdating sa automated poll. Hindi naman malaman ng isa sa hosts ng Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi, kung paano siya magri-react sa pag-uusisa ng media sa kanya.

Pero sa totoo lang, kapuna-puna nga ang kakaibang glow sa mga mata niya ngayon. Para bang may bago na naman nga siyang inspirasyon. Si Cesar Flores na nga ba iyon?

Hindi raw, according to Ruffa. Gano’n pa man, sa tono ng pananalita niya ay mukhang okey nga ang dating nito sa kanya.

“Mabait siya. But you know… I just met him. Ayoko munang magsalita too much about him,” aniya nga.

Over naman daw ‘yong mga nag-iisip na baka nagdi-date na sila. Pero hindi nga niya itinatago ang paghanga rin sa napapabalitang bagong admirer niyang ito.

“He’s a nice guy. He’s very charming. And… ayon, mahilig siyang mag-text. Siya ‘yong bago kong textmate. Tingnan natin.”

Gusto umano niyang maging maingat at huwag padalus-dalos hinggil sa usaping pampuso. Mahirap nga namang magkamali na naman siyang muli at magsisi pa sa bandang huli. At ang number one sa qualities na una niyang tinitingnan sa isang lalaki: “I only go for people that are single. ‘Yong walang sabit.”

Ang nanay niyang si Tita Anabelle Rama, boto kaya kay Cesar kung saka-sakaling ito ang maging bagong pag-ibig nga ni Ruffa?

Why not? Bukod sa guwapo ay mukhang responsable naman si Cesar Flores. At may magandang trabaho.

Ang alam lang namin na ayaw ni Tita Annabelle na maging boyfriend ni Ruffa ay ‘yong hindi siya kayang panindigan. Na imbes na siya ang alagaan ay siya pa raw ang mag-aalaga na parang isang yaya.

‘Yon na!

John Lloyd Cruz, ikaw ba ‘yon?

BLIND ITEM: VERY sweet ang image ng young actress na ito pero kapag tungkol daw sa ex-boyfriend niyang isang model-turned-actor na winner ng isang reality competition ay talagang biglang-bigla umano siyang nagmamaasim. As in, wala ka raw maririnig na maganda sa kanya kundi puro paninira sa dating karelasyon niya.

Wala raw tigil ang young actress na ito sa kasasabi ng kung anu-anong negative tungkol sa kanyang ex-bf. Siya rin nga ang hinihinalang source ng mga negative na nasusulat ngayon tungkol sa guwapong model-turned-actor.

Nakakatakot palang maging girlfriend ang pa-sweet na young actress na ito. Dahil kapag nag-break na kayo, talagang itsitsismis at sisiraan ka pala niya nang husto.

Ilang buwan na rin ang nakakaraan sapul nang maghiwalay sila ng nakarelasyon ngang model-actor. Pero until now, parang hindi pa rin nga siya maka-move on at nahihirapang tanggapin na wala na nga sila.

Kunsabagay, tipong habulin nga ng babae ng model-actor na nakarelasyon niya. Abs pa nga lang nito ay talagang pinagpapantasyahan na. Kumbaga, sobrang panghihinayang siguro ng young actress nang mag-break sila. Kaya nga siguro ang drama niya, kung hindi rin lang ito magiging kanya, sisiraan na lang niya.

Gano’n siya ka-bitter talaga?

Nagmamaasim na, masyadong mapait pa!

Sing-pait ng tawag sa grupo nilang naging kontrobersiyal dahil sa pang-aaway ng kapwa-artista.

Alam n’yo na kung sino siya?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleSa hiwalayan nila ni Pia Guanio: Vic Sotto, galit at ayaw sagutin ang isyu?!
Next articleJames Yap, walang isang salita!

No posts to display