SM Land, Desedido sa Pasay Reclamation Project

“KAMI AY naninindigan sa aming desisyon na ituloy at tapusin ang 300-hectare reclamation project ayon sa aming Joint Venture Agreement (JVA) kasama ang Pasay City Government sa kabila ngnaiulat na pagbawi ng mga resolusyon na naunang inilabas ng Pasay City Council na nagpapatunay ng suporta at pagsang-ayon nito sa panukala ng SM Land.”

Ito ang reaksyon na inilabas ni Ginoong Dave L. Rafael, Senior Vice President ng SMLI nang hingian siya ng komento ayon sa pagpasa ng Resolution No. 3059 ng City Council ng Pasay.

“Wala kaming intensyon na pag-isipan pa ang mga motibo ng City Council kung bakit sila nagbago ng isip, pero sa aking palagay sila ay binigyan ng maling impormasyon,” dagdag ni Rafael. “Maayos at naaayon sa batas ang aming kontrata na siyang pinatunayan ng City Council. Hindi maaaring basta na lamang kanselahin ng Council ang kontrata sa pamamagitan ng pagbawi ng mga naunang resolusyon nang walang due process na siya namang paglabag sa karapatan ng SMLI.”

Ayon sa SMLI, may mga paraang legal na maaari nitong gamitin sakaling ipilit ng Council ang kanilang pagbaligtad ng sa desisyon. Gayunpaman ay hindi  plano ng SMLI na sundin ang nasabing paraan sa ngayon para sa patuloy na maayos na relasyon na sinimulan nito sa Pasay City Government at Council saloob ng 17 taon.

Ang SMLI ay hindi isang simpleng developer lamang na nagnenegosyo sa Pasay para lamang magbigay ng mga pangako. Ang kumpanya ay isa nang active stakeholder at katuwang ng Pasay City sa pagsulong ng mga layunin nitong gawin ang lalawigan bilang isang masiglang business, commercial, leisure at tourist destination na maaaring tumapat sa iba pang business districts ng Metro Manila.

Mananatili ang desisyon ng SMLI na tumulong sa pagbabago at pag-unlad ng lungsod, at ang pagpapalawak Mall of Asia Complex ay isang malinaw na katunayan nito. Sa tulong ng nasabing 300-hectare reclamation project, isusulong ng SMLI ang patuloy na sigla, paglawak at propesyonalismo na ginagawa sa MOA Complex. Isang katunayan ng tagumpay ng ganitong programa sa loob ng maraming taon ay ang positibong pagtutulungan ng SMLI, City Government, at Council. Layunin ng SMLI na ipagpatuloy ay magandang samahang ito sa mahaba pang panahon.

loading...

One thought on “SM Land, Desedido sa Pasay Reclamation Project

  1. Pingback: SM Land, Desedido sa Pasay Reclamation Project - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.