SM, Kakasuhan ng Bumbero

DAHILAN SA PAGKAANTALA ng mahigit tatlong oras ng mga kagawad ng pamatay-sunog (Bureau of Fire Protection) para tuluyang mapuksa ang apoy sa loob ng SM department store matapos silang pigilan ng management na makapasok sa loob ng gusali, pinag-aaralan ngayon ng BFP ang pagsasampa ng kaso laban sa naturang establisimyento.

Tinatalakay na ngayon ng Bureau of Fire Protection, National Capital Region ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa  sangay ng SM department store sa Cubao, Quezon City.

Matatandaang nanggagalaiti sa galit si BFP-NCR Director Sr. Supt. Pablito Cordeta nang tanggihan ito ng management na makapasok kaagad at ang kanyang mga firefighter upang apulahin ang apoy sa nasusunog na basement ng establisimyento noong isang araw.

Malinaw na isang Obstruction of Justice ang nilabag ng pamunuan ng SM, ayon pa kay Cordeta.

Gayunman, aminado ang opisyal na posibleng masibak siya sakaling ituloy niya ang pagsasampa ng kaso sa nasabing establisimyento dahil kilalang-kilala ang may-ari ng SM bilang napakaimpluwensiya umanong tao.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.