SKY POLICE, BINUHAY NG PNP

MULING BINUHAY NG Philippine National Police (PNP) ang kanilang sky police.

Pinangunahan ni DILG Secretary Jesse Robredo ang muling paglulunsad ng sky police kasama ang matataas na opisyal ng pulisya, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at non-governmental organizations.

Gagamitin ng NCRPO ang tatlong Robinson R-44 Raven 2 helicopters para paigtingin ang anti-criminality campaign at pagpapatrolya sa himpapawid.

Ang helicopters ay may search light, infrared imaging system, night flying capability bukod pa sa dual audio radio para sa koordinasyon sa ground troops.

Gagamitin din ang helicopters bilang command and control point sa panahon ng mga kalamidad, paghabol sa bank robbers at iba pang kriminal na nangangailangan ng hot pursuit operation.

Ang tatlong helicopters ay binili sa panahon ni dating PNP Chief Jesus Verzosa mula sa Estados Unidos sa halagang P104.9 million na bahagi ng P10 bilyong capability enhancement program.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.