SK Poll, ‘Di na Tuloy sa Oktubre

MALABO NANG idaos sa Oktubre ang Sangguniang Kabataan (SK) poll, ito ang sinabi ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes.

Ito’y matapos manalo sa botohan sa Kongreso ang panukalang pagpapaliban sa SK election.

Marami rin ang nanghihinayang lalo na ang mga tumatakbo sa SK election na nagpakahirap pa sa nakalipas na registration sa Comelec.

Una nang ipinanukala ng opisyal at ng National Youth Commission (NYC) na ipagpaliban muna ang SK election sa Oktubre sa halip na buwagin ito.

Samantala, kasado na ang paghahanda ng Comelec sa nalalapit na Barangay election kung saan nakapag-imprenta na ng balota mula pa noong Setyembre 4 at may nakuha na ring kontrata para sa pagpapadala ng mga balota sa mga lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.