SK ng San Rafael at Calumpit, Sanib-Puwersa sa Pagtulong sa mga Binaha

DAHIL SA nararanasang kakapusan ng pagkain sa mga evacuation center, nagsanib-puwersa sina San Rafael SK President Carmina Veneracion at Calumpit SK President Adrian Gonda, kasama ang UST Alumni Association at SM Foundation Baliuag Branch.

Halos dalawang araw na namahagi ng relief goods, kasabay ang medical mission sa mga residenteng lubhang na-

apektuhan ng pana-nalasa ng habagat nitong nakaraang linggo, kung saan hanggang ngayon lubog pa rin sa tubig-baha ang 29 na barangay ng Calumpit.

Ayon kay Municipal Councilor Gonda, kadalasang nagaganap ang pagbaha sa kanilang bayan matapos humupa ang baha sa ilang mabababang lugar sa lalawigan.

Dagdag pa sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha ang mga baha na nagmumula sa lalawigan ng Nueva Ecija at Pampanga.

Bunsod nito muling nanawagan si Gonda, sa kinauukulan na may mabubuting loob na patuloy ang kanilang pagtanggap ng tulong para sa maraming barangay na halos dalawang linggo nang underwater dahil sa back floods dala ng patuloy na pagbuhos ng ulan.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.