SK, Nagiging ‘Breeding Ground’ ng Political Dynasty

ISUSUSOG NG Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na buwagin na ang Sangguniang Kabataan (SK) elections sa paniwalang nagiging “breeding ground” lamang ito ng political dynasty.

Ito ang posisyong sinabi ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle.

Noong mga nakaraang halalan, ang mga dinidinig aniya nilang protesta ay halos tungkol sa vote buying ng kabataan, pangingialam ng mga magulang at iba pa.

Irerekomenda nila sa Kongreso ang hinaing sa pagsasabing gusto nilang barangay elections na lamang ang pagtuunan ng pansin at tanggalin na ang Sangguniang Kabataan. Hati pa rin aniya ang Kongreso rito.

Mayroon na rin kasi aniyang representasyon sa hanay ng barangay posts.

Bukod pa ito sa masyadong pa aniyang bata ang 15-anyos, edad ng maaaring  tumakbong SK official, para humawak ng pwesto at malaking gastos din aniya ang SK polls.

Aminado rin si Tagle na hindi pa maiaalis ngayong 2013 barangay elections ang botohan sa SK.

Samantala, una nang tinutulan ni Senator Bam Aquino ang nasabing plano sa pagsasabing ang kailangan aniya ay major overhaul o reporma at hindi pagbuwag sa SK.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.