SK kagawad, 1 pa, arestado sa panghahalay

KULONG ANG kagawad ng Sangguniang Kabataan at isa pa matapos ireklamo ng panghahalay ng isang dalagita na nilasing ng mga una sa Valenzuela City.

Nakilala ang mga dinakip na sina Jemellson Melegrito, 18, SK Kagawad ng Mabolo ng lungsod; at Ranier Prudencio, 18, kapitbahay ng una.

Sa reklamo ng biktimang edad 15 ng Pasolo ng lungsod, Enero 17, 2012 inimbitahan siyang uminom ng mga suspek sa isang bahay sa Mabolo ng lungsod na pinagbigyan naman.

Alas-6 ng gabi ay nalasing ang biktima na sinamantala ng mga suspek at halinhinang hinalay.

Pag-uwi ng biktima ay nagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang damputin ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.