SK Chairwoman at 3 Kagawad, Sugatan sa Trip ng mga Adik

SUGATAN AT bugbog-sarado ang isang SK chair at tatlo nitong kagawad makaraang mapagtripang saktan ng ilang kabataan na ba-

ngag sa ipinagbabawal na droga .

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina SK Chairwoman Chirmin Bacolod, mga SK kagawad na sina Sandra Datu-on, Eupren Suan at Elden Galaci, pawang mga taga-Brgy. 12 ng nasabing lungsod.

Ayon kay Bacolod, bibili sila ng pagkain sa may A. Mabini St. partikular sa tapat ng Caloocan City Hall ng biglang silang harangin ng ilang kabataan at sinimulan silang pagsusuntukin.

Sinabi pa ni Bacolod, nang akmang sasaksakin sila ng isa sa mga suspek, isang barangay tanod na nakasuot ng T-shirt na may nakasulat ng Brgy. 10 ang umawat sa mga suspek.

Sa puntong iyon ay mabilis na tumakas ang mga kabataang suspek sakay ng isang motorsiklo na may plakang VT-9558.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga pasa, galos at bukol sa kanilang katawan kung saan ang mga suspek ay pinaghahanap na ng mga awtoridad para sampahan ng kaukulang kaso.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.