SK Chairman, Nahaharap sa Kasong Murder sa Pagpatay sa 10-anyos

KASONG MURDER ang isinampa sa isang binatang charmain ng Sanguniang Kabataan (SK) ng Barangay Bag-Ong, sa bayan ng Aurora, Zamboanga del Sur makaraang patayin ang isang 10-anyos na batang lalaki.

Base sa report mula sa Aurora municipal police station, nakilala ang salarin na si Algien Lucero Ruiles, 20.

Nabatid na lasing na lasing umano ang salarin nang magawa nito ang krimen kung saan pinagpapalo nito gamit ang isang matigas na bagay ang biktimang si Richard Lucero Cabasag hanggang mapatay at itinapon pa sa creek.

Isinalaysay pa umano ng salarin sa isa niyang kasamahan ang ginawang pagpatay sa bata at hiniling na huwag ipagsasabi sa iba.

Sa paghahanap ng mga magulang kasama ang mga opisyal ng barangay ay narekober nila ang bangkay ng biktima sa nasabing creek.

Hindi naman nakaya-nan ng konsensya ng kasama ng salarin at isinumbong din nito sa pulisya ang kanyang nalalaman tungkol sa pagkasawi ng menor de edad kaya agad na ring hunuli ang suspek ng mga opisyal ng barangay at na-turn-over sa mga kapulisan.

Sa loob ng selda, inamin ng salarin ang nagawang pagpatay sa biktima.

Katuwiran pa nito ay nagalit umano siya sa bata sa tuwing binibiro siya nito kaya naisip niyang patayin ito sa ganoong paraan.

Samantala, labis naman ang hinagpis na nararamdaman ng mga magulang at mga kaanak ng biktima sa sinapit nito sa mismong SK chairman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.