SK Chairman, kritikal sa anak ng kapitan

MALUBHANG NASUGATAN ang SK chairman nang saksakin ng anak ng barangay chairman makaraan ang pagtatalo nang patigilin ng huli ang paglalaro ng basketball ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical center sanhi ng saksak sa tiyan si Meriel Manalaysay, 17 at SK Chairman ng Brgy. 123

Nadakip naman si Joe Valentino Lopez, 25 anak ni Isidro Lopez ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, naglalaro ng basketball ang biktima at ilang kaibigan sa court ng nasabing lugar nang patigilin ng suspek dahil maingay umano.

Hindi tumigil ang naglalaro hanggang sa itumba ng suspek ang board na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at saksakin si Manalaysay.

Dinala ang biktima sa PDMMMC habang nadakip naman ng mga pulis ang suspek.           (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.