SK Chairman, itinumba

 

PINAGBABARIL HANGGANG sa mamatay ang isang Sangguniang Kabataan chairman ng isang hindi nakikilalang salarin sa harap ng kanyang bahay sa Meycauayan, Bulcan City kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Mario Bucsani, nasa hustong gulang, binata, estudyante at naninirahan sa Pandayan, ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Meycauayan Police Station, dakong alas-5 ng umaga kahapon nang maganap ang nasabing insidente ng pamamaril sa harap ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Lumalabas sa ulat ng nasabing himpilan ng pulisya, nag-aabang ng masasakyang dyip ang biktima para pumasok sa kanyang eskuwelahan nang biglang dumating ang hindi nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo.

Sa puntong ito, sa hindi nabatid na dahilan ay sampung ulit na pinutukan ng hindi nabatid na kalibre ng baril ng hindi nakikilalang salarin ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na agarang ikinamatay nito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo sa hindi nabatid na direksiyon dala-dala ang ginamit na baril sa krimen.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at manhunt operation ang Meycauayan PNP laban sa hindi nakikilalang suspek para malaman ang tunay na motibo sa likod ng pamamaslang sa biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.