SK Chairman, Binurdahan ng Saksak; Patay

ISANG SANGUNIANG KABATAAN (SK) chairman ang nasawi nang pagsasaksakin ng hindi nakikilalang lalaki sa bayan ng Bauan, Batangas kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon kay Batangas Provincial Director Chief Superintendent (Supt) Rosauro Acio, kinilala ang biktima na si Richard Magboo, 17-anyos, SK chairman ng Barangay Gulibay, Bauan, Batangas na nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na dakong alas-3 ng madaling-araw nang mangyari ang pananaksak sa nasabing barangay.

Pauwi na umano ang biktima habang naninigarilyo, ng ilang metro na lamang ang layo sa kanilang bahay ay itinapon ng biktima sa isang jeep na nakaparada ang upos ng kanyang sigarilyo.

Na nagkataon namang sumentro sa natutulog na suspek sa loob ng jeep na si Michael Angelo Sideco, 20 anyos, ng nasabi ring lugar. Naalimpungatan umano ang suspek kaya agad na kinumpronta ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil malaki ang bulas ng biktima ay agad na bumalik sa loob ng jeep ang suspek bago muling lumabas bitbit ang isang kutsilyo na agad inundayan ng saksak ang biktima.

Nagawa pang makatakbo ng biktima, pero nadapa ito na siyang sinamantala ng suspek na sunud-sunod na sinaksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan hanggang sa bawian siya ng buhay.

Matapos ang pamamaslang ay agad na tumakas ang suspek bitbit ang kutsilyong ginamit sa pamamaslang.

Sa ngayon target na ng mga awtoridad ang nasabing suspek.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.