Siyete at Singko, nag-aaway dahil kay Iwa Moto!

IT IS rather amusing that two networks are fighting over a starlet.

We’re referring to GMA-7 and TV5. And their bone of contention is Iwa Moto.

The Kapuso Network executive insists that Iwa still has an existing contract with them, thus, all her projects/assignments should be approved by them. To their surprise, umapir si Iwa sa tatlong show ng Kapatid Network nang hindi nila alam.

Ilang buwan nang walang project si Iwa sa Siyete and it’s quite surprising na hinahabol nila ito nang magkaroon ng guesting ang hitad sa Kapatid Network. What gives?

Ito talagang GMA-7, nagpapabaya sa kanilang talent tapos ‘pag may nakuhang project sa ibang network, bigla nilang hinahabol. Hindi ba’t nangyari rin ito kay Iza Calzado na lumipat na sa ABS-CBN ngayon?

Bakit, nai-insecure ba ang GMA-7 sa TV5 na until now ay wala pa rin namang masyadong napatunayan sa network wars kundi ang manguha nang manguha ng mga talents ng ibang network?

 

TYPE KUNING endorser ni Joel Cruz ng Aficionado Germany Perfume ang stand-up comedian na si Vice Ganda.

“After the negotiations with his manager ay saka pa namin malalaman kung payag siya. Gusto namin siyang makuha. Alam kong makatutulong siya at makatutulong din naman kami sa kanya. Pero sa ngayon, hindi ko pa masabi ang tsansa na makuha siya. It all depends on the price, the contract details,” paliwanag ni Joel sa amin over lunch sa kanyang mansion sa Canyon Woods.

Ayon kay Joel, choice niya si Vice at product din ito ng kanilang brainstorming sa kanilang kumpanya.

“Pinag-usapan sa brainstorming sa office. Kailangan kasi namin ng visible sa television, na nakikita siya not only in the Philippines kundi maging sa abroad. Personal choice ko rin siya. Napapanood ko siya kung paano siya magsalita at masasabi kong smart siya,” sabi pa ni Joel.

Before the interview, nagluto ng kare-kare at baked macaroni si Joel kasama ang kanyang mother na si Milagros na very accommodating sa aming grupo.

Bongga ang baley ni Joel sa Canyon Woods. Nabili niya kasi ang katabing lupa kaya lumaki nang husto ang kanyang property. At ang nakakaloka, may elevator sa bahay at may helipad. Ang kanyang dining room pa lang ay talagang enormous na. Imagine, may 28-seater dining table siya.

 

BLIND ITEM: Kalat na kalat na sa showbiz ang pagiging alcoholic ng isang female singer.

At ang nakakaloka pa, may hindi magandang ginagawa ang hitad kapag lango na sa alak. Nanghahabol siya ng halik sa kahit na sinong mapagtripan niya, ke gay, straight, girl o boy.

At kapag umiiwas daw ang kanyang type ay talagang hinahabol niya ito hanggang mahalikan.

At kapag may performance naman ito ay sobrang pasaway. Gusto niya, lagi siyang inuuna sa line-up of performers dahil may raket pa raw siyang pupuntahan kahit wala naman.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Siyete at Singko, nag-aaway dahil kay Iwa Moto!

  1. magkano kaya ang bayad nila willie at joel sa mga reporters para ipraise sila in high heavens. as if we care kung kalahati ng metro manila at ilang buidings ang maipatayo nila, ang tanong lng naman dyan eh, masaya ba sila?

  2. talaga lang?! hahahaha iwa moto?? pinag aagawan ng dalawang giant networks?? hahahaha hindi nga?? ang forever starlet na si moto?? isang walang napatunayang aktres aktresan?? HAHAHAHAHAHA next article please..

Leave a Reply

Your email address will not be published.