Siya raw ang gustong next GF ng aktor
Shaina Magdayao, kay Piolo Pascual mismo gustong marinig

Shaina-Magdayao-Piolo-PascualSA PICTORIAL ng Pagpag, Siyam na Buhay ay nakausap namin si Shaina Magdayao at agad naming hiningan ng reaksyon sa balitang pagkikita nila ng ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz kasama ang girlfriend nitong si Angelica Panganiban sa nakaraang birthday celebration ni Bea Alonzo.

Lumapit daw si John Lloyd kay Shaina at bumati rito. Tinanong si Angelica sa nangyari at para sa aktres ay mas mag-iisip siya nang ‘di maganda kung nakita pa niya na naiilang ang boyfriend sa ex nito.

Sa kuwento naman ni Shaina, okay sila ng ex at nagbabatian naman talaga sila ‘pag nagkikita. Pero nang tanungin kung nakapag-usap pa ba sila, hindi ang isinagot ng aktres dahil pareho silang busy ng gabing iyon dahil nga kaarawan ni Bea.

Agad din naming tinanong sa naging pahayag ni Piolo sa nakaraang interview namin sa aktor na kung magkakaroon siya ng susunod na girlfriend ay si Shaina na ‘yun, ayaw pa ring maniwala tungkol dito ni Shaina dahil ‘di niya napanood mismo ang interview namin kay Piolo. Pero sa sinabing ito ng aktor, natutuwa siya dahil nangangahulugan lamang ito na may nakikitang maganda o mabuti sa kanya si Piolo.

Consitent pa rin si Shaina sa pagsasabing hanggang sa ngayon ay wala pa rin siyang lovelife at mas gusto niya ay magpokus muna sa kanyang career lalo’t ngayon nangyari na hindi talaga siya nababakante sa sunud-sunod na mga trabaho.

Sa kabila nito, may ilang reliable sources talaga ang nagsasabi sa amin na matagal na raw ang relasyong Shaina at Piolo at tinatago na lang ito para iwas-intriga na rin at kontrobersiya, kung saan high profile ang mga nakaraang relasyon nila at talagang pinagpiyestahan ng publiko.

Shaina-MagdayaoKaarawan noong nakaraang November 6 na kung dati ay nasa ibang bansa si Shaina, ngayong taong ay ‘di siya makalabas ng bansa dahil sa dami ng kanyang mga trabaho. Sa ngayon, wala nang mahihiling pa si Shaina kundi ang lalo pang gumanda ang kanyang career, kung saan sobra-sobra ang pasasalamat niya sa ABS-CBN at Star Cinema sa sunud-sunod niyang mga trabaho.

 

SA SUNUD-SUNOD na break-ups ngayon sa showbizness, tinanong namin si Toni Gonzaga kundi ba siya natatakot na baka dumaan din sa ganitong pagsubok ang relasyon nila ni Direk Paul Soriano?

Sinagot naman kami ng TV host/actress na sa pitong taon nilang relasyon ng boyfriend, marami na silang napagdaanan at masasabi niyang matatag na sila at kung anuman ang mangyari, alam niya na kagustuhan ito ng Diyos.

Sa isang interview namin kay Piolo Pascual, inamin ng aktor na nanligaw siya dati kay Toni pero hindi nga lang ito nautloy dahil pareho silang busy ng mga panahong iyon. Noong una ay ayaw magsalita tungkol dito ni Toni dahil siyam o sampung taon na ito nang nangyari at ayaw ni Piolo na pag-usapan ito dati. Pero nang sabihin namin na nanggaling naman ito mismo kay Piolo, kahit kaunti ay nagsalita na rin ang aktres.

Bago pa lang siya nu’ng lipat sa ABS at wala pa siyang kaalam-alam sa mga pasikut-sikot doon. Ayon kay Toni, ‘di niya rin kasi maisip na maging boyfriend noon ang isang tulad ni Piolo na sikat na sikat at heartthrob talaga. Para sa kanya, kakapalan sa parte niya kung magiging boyfriend niya ito. Ang mga sikat na artista noon ay inilalagay lang sa pedestal ni Toni na gusto lang niyang tingnan at naniniwala siya na mawawala ang misteryo nito ‘pag nanligaw o naging boyfriend na niya.

Kasama si Piolo sa rom-com UNlove You sa ilalim ng direksyon ni Direk Olive Lamasan, ikinuwento ni Toni na ito na ang pinakamahirap na pelikulang nagawa niya kung saan baka ito na rin ang huling rom-com na gawin niya at mag-full drama na lang siya sa susunod dahil pakiramdam niya ay naibigay na niya ang lahat para sa pelikulang ito.

Kapalit ng pagiging host sa The Buzz ay ang sitcom na pagtatambalan nila muli ni John Lloyd Cruz pagkatapos ng tagumpay ng pelikula nilang My Amnesia Girl.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

33 thoughts on “Siya raw ang gustong next GF ng aktor
Shaina Magdayao, kay Piolo Pascual mismo gustong marinig

  1. Go Shaina and Piolo ! Your fans are here to support you!!! Stay humble for the Lord will pour His bountiful blessings upon you. Never mind the bashers, they were born bashers so they will stay bashers until the end of their days.

  2. kung makasabing brainless si shaina at bakla si piolo wagas???! tumingin nga kayo sa salamin. bagay sila pareho silang mabuting tao,hindi plastik at timwa sa issue..starlet sino? haler…shaina is not a superstar maybe pero para samin shes the best!

  3. i don’t think piolo is a gay.kng education naman,eh ano kng di nakatapos si shaina?siya lng ba ang artist na d nakatapos.for your info ang mga sobrang talino na mga tao ang nagpahirap sa ating bansa vaka naklimutan niyo.

  4. ALIN KUNG KAY KC NA PASAWAY SA MAGULANG, SYEMPRE ITATANGGI YAN SA NGAYON NI NEGA SHARON NA PASAWAY ANG NEGA DAUGHTER NYANG SI KC,ALAM NYO NA? MAY PINAG ARALAN NGA SI KC NA NASA LOOB NAMAN ANG KULO…GANON DIN,HINDI NYA NAMAN GINAGAMIT..MAS GUGUSTOHIN NAMAN NAMIN ANG MAY MABUTING UGALI AT MAPAG MAPAG MAHAL SA MAGULANG AT HINDI LANG SILA BASTA MAGANDA,MARUNONG DIN SILANG TUMULONG SA KAPWA NG WALANG HALONG KA PLASTIKAN…BUKOD KAY SHAINA GUSTO DIN NAMIN SI ANGEL LOCSIN AT JESSY MENDIOLA PARA KAY PIOLO!

  5. Nakupo malapit na ata mg end ofda world yan prin issue k mama p. Ang malink kuno samga girlitas nyan…sabinga nya diba type daw kuno nyng mging next gf c shaino kyalang pano mgyayari un EDI nman nya nililigawan…kc gaya ng matAgal nnyng alibi esa anak muna daw nya za ngcoconcentrate…2 years from now padaw za manliligaw…kya mghintay kyong mga shailo o shaila ng 2yrs pa kung liligawan nga nya c shaino…

    • bwahahahha naku Chicharot,,,mah hunos dili ka sa pinag sasabi.mo..baka bumalik si Yolanda,,sa mga komento hahahah si Papa P…..papatol pa sa Babae,,,,nyahahhaha..a buong showbizlandia ay alam na kung sino talaga si Papa P…ikaw na lang ang hindi nakakaalam,,,,,,hahahahha isa kang Super Doper Moron Fantard,,hahaha

      • Proof pls…. Nyahaha. Ano naniwala ka nnmn ke Lolit ScamQueen sa ek ek nyang nakita nya sina Piolo at Sam sa hotel? Nyahaha…. Ikaw ang SUPER DUPER STUPID FANTARD! Nyahaha. Mahilig MANIWALA sa SABE SABE! NYahaha….

  6. Maganda si shaina pero ang sabihing matalino sya helerrr kahibangan yan di na nga yan nagaral nagboyfriend na ang inatipag nyan pero bagay sila ni pioleta sila na lang

  7. hehehe may EPAL na naman? mag Move-On na kayo, grabeng Inggit nyo kay PapaP ah,kaya sobrang Bless ni PapaP dahil grabeng bait sa Pamilya at Kapwa, gusto namin si Shaina, hindi lang Maganda,Mabait at Matalino pah!

  8. INGGIT lang yong mga maka KC Over Over ARTE At Landi… diba nga may naging Issue silang mag Ina Dati,Pasaway yang KC nayan noh, ayaw namin sa kanya para kay PapaP, Ok na Ok samin sila Angel Locsin,Shaina at Toni !!

  9. Pareho ko clang idol na dalawa kya masaya ako pag aminin na nla na cla na?wag na nila itago kc bgay cla at maging happy ang mga shailo fans pag magkatuluyan clang dalawa kc pareho clang Maganda at gwapo.i think totoo na talaga c papa p Sa pagibig Nya para Kay shaina pareho ko clang gusto sana kau.gudluck

  10. bakit hindi na lang kasi magpakatotoo si piola para matapos na at para wala na siyang ginagamit na mga babae noh! hahahahaha!

    • hahahah musmos pa lang yata, nasa Katol Network na siya,,,walang time mag aral,,,hahahah baka Elementary lang,,,nyahahah alam mo naman diyan sa Katol Network,,,,,,karamihan diyan mga hindi tapos ng pag aaral,( Jeje Idol mag aral ka naman,,kahit sa Deped distance learning center, gayahin mo si katryn,,,kahit papano nag aaral, baka habang buhay ka ng Jejemon,,),,,hahahah

  11. Pingback: Siya raw ang gustong next GF ng aktor Shaina Magdayao, kay Piolo Pascual mismo gustong marinigLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  12. nyahahahhaha mga BANGAG…dapat sa inyo ilublub sa tubig,,,hindi mangyayari yan,,,kahit ilang Bagyong Yolanda pa ang tumama sa Pinas,,,por dies porsiento..hangang ngayon nangangarap pa ba kayong totoong babae ang hanap ni Papa P…hahahha…magtanong kayo kina Mark bautista at KC Concepcion,,,mga BUANG na Fantaratot,,hahahha

    • Parehong USER. hakhakhak! Yung isa Laos, yung isa naman Forever Starlet. This gimmick is very convenient for their mutual careers. hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.